Tumor ni Michael Douglas natunaw!
MANILA, Philippines - Magandang balita para sa mga fans, kaibigan, at pamilya ni Michael Douglas — wala na siyang kanser.
Ang Hollywood actor mismo ang nagkumpirma kay Matt Lauer sa The Today Show.
Ipinahayag ng aktor ang kanyang “wild six-month ride” mula nang malaman ang diagnosis ng doktor, ang mga hirap sa gamutan, ang naging bahagi sa kanya ng mga kaibigan at pamilya, at pati na ang mga gagawing pelikula.
“I feel good, relieved. The tumor is gone,” sabi ni Michael. “But, you know, I have to check out on a monthly basis now to maintain.”
Ngayon niya higit na na-appreciate ang asawang si Catherine Zeta Jones at mga anak at sobra-sobra ang pasasalamat niya at sila ay nasa kanyang tabi.
“And we’ve had a big celebration these last couple of days when I found out the tumor’s gone,” kuwento pa ng aktor sa TV show.
- Latest