ABS-CBN anchors at reporters hari at reyna sa Twitter
MANILA, Philippines - Mas maraming sumusubaybay at sumusunod sa bawat tweets ng mga multimedia journalists at anchor ng ABS-CBN sa sikat na social networking site na Twitter.
Siyam sa top 10 most followed TV news personalities sa bansa ay mula sa Kapamilya Network base sa talaan na ginawa ng New Media Philippines blogsite.
Noong nakaraang buwan, nangunguna sa listahan si Karen Davila na may 130,168 followers sa Twitter. Sinusundan naman siya nina Kim Atienza (124,955), Julius Babao (86,051), Ces Drilon (69,063), Ginger Conejero (51,356), Gretchen Fullido (51,354), Atom Araullo (47,491), TJ Manotoc (47,311), at Pinky Webb (38,594). Hindi kasama sa talaan ang mga journalists sa print at online media.
Talaga namang todo na ang pagiging multimedia journalists ng mga mamahayag ng ABS-CBN dahil hindi lamang sila nagsusulat at nagbabahagi ng impormasyon sa telebisyon at sa internet via www.abs-cbnNEWS.com <http://www.abs-cbnNEWS.com>, kung hindi pati na rin sa mga social networking sites tulad ng Twitter ay mga reyna sila.
Patuloy ngang isinusulong ng ABS-CBN News ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pamamahayag para abutin ang mas maraming Pilipino. Sila rin ang unang gumamit ng high-tech na augmented reality sa pagbabalita noong Halalan 2010 coverage at magpahanggang ngayon ay ginagamit pa rin sa TV Patrol at Bandila.
Kaya naman ABS-CBN ang pinakakapani-paniwalang TV network sa bansa ayon sa nationwide opinion poll ng Pulse Asia kung saan 72% sa mga Pilipino ang paniniwalang ABS-CBN ang nagbigay ng pinakakapanipaniwalang TV news coverage noong May 2010 elections. Mas mataas ang nakuhang score ng ABS-CBN.
- Latest