Coco, Zanjoe, Enchong, Maricar susugod sa Sinulog
MANILA, Philippines - Hindi na talaga matitinag ang Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG) sa pagbibigay-saya kahit saang sulok ng mundo, dahil umpisa pa lang ng taon, agad itong aarangakada sa pinakaaabangang Sinulog Festival sa Cebu City.
Tampok sa Kapamilya Karavan na gaganapin sa Enero 15, 4:00 p.m. sa Ayala Mall, Cebu City ang mga pinakapinag-uusapang Kapamilya stars na sina Minsan Lang Kita Iibigin lead star Coco Martin, Martha Cecilia’s Kristine hottie na si Zanjoe Marudo, Ron Morales ng Sabel, Maricar Reyes ng Imortal at Shout Out mainstay na si Enchong Dee.
“Gusto ko i-take ‘yung opportunity na ito upang magpasalamat sa ating mga kababayang Cebuano sa kanilang walang-sawang suporta sa mga projects ko with ABS-CBN. At siyempre, nais ko rin silang imbitahan sa panibago ko na namang teleserye, sa February na po ‘yan,” ani Coco.
Para naman kay Enchong Dee, pagkakataon na niya ito upang makapaglakbay at matunghayan ang ilan sa pinakamasasayang kapistahan sa bansa. Ani ng aktor, isang karangalan para sa kanya ang maimbitahan sa makasaysayang Sinulog Festival.
Hindi man niya kasama ang kanyang kasalukuyang katambal sa Martha Cecilia’s Kristine na si Bangs Garcia, nagagalak pa rin si Zanjoe na mag-perform ulit sa Kapamilya Karavan. Ayon kay Zanjoe, masyado siyang nabiyayaan sa taong 2010, kaya’t nararapat lamang na suklian niya ito ng mga umaatikabong performance para sa kanyang mga tagahangang Cebuano.
Kasalang Ogie at Regine nanguna sa humataw na progama ng GMA 7
Nanatili ang pagtangkilik sa GMA Network ng mga manonood sa viewer-rich Mega Manila nitong nakaraang taon ng 2010.
Ayon sa datos ng AGB Nielsen, nakapagtala ang GMA Network ng average people audience share na 36.3% sa Mega Manila noong 2010. Nasa Mega Manila ang 55% ng total urban television households sa bansa.
Samantala, sa December ratings data (December 26 to 31 ay base sa overnight ratings data) umakyat ang lamang ng GMA Network sa pagtatala ng average audience share na 35.8%. Gayundin, 19 sa top 30 highest rating programs nitong December ay mula sa Kapuso Network.
Nanguna sa listahan ng mga leading program ang A Duet to Forever, the Ogie Alcasid and Regine Velasquez wedding special na nakakuha ng audience share na 45.6%. Pumangalawa ang constant top-rater na Kapuso Mo, Jessica Soho na may audience share na 37.8%. Ang pangatlong puwesto, na may audience share na 30.4%, ay nakuha ng reality-based program, Survivor Philippines, Celebrity Showdown ni Richard Gutierrez.
Ang iba pang programa ng Kapuso Network na pumasok sa over-all top 30 programs noong December ay ang noontime top-rating program Eat Bulaga; primetime news program 24 Oras; Kap’s Amazing Stories at mga primetime drama tulad ng Bantatay; Jillian: Namamasko Po; Grazilda at Beauty Queen.
Para sa 2011, una sa listahan ang fantasy-dramang Dwarfina na pagbibidahan ng loveteam nina Heart Evangelista at Dennis Trillo. Ilulunsad din ngayong Enero ang television remake ng age-old story tungkol sa isang inukit na larawang gawa ng isang babae, Machete. Tatampukan ito ng sought-after Kapuso hunk actor na si Aljur Abrenica.
Sina Regine Velasquez at Dingdong Dantes, ang bagong tandem sa primetime, ang magbibida sa original romantic-comedy series na I Heart You Pare.
Sa Kapuso station din nakatakdang ilunsad ang makasaysayan at kauna-unahang epic-serye sa telebisyon, Amaya. Ang Primetime Queen na si Marian Rivera ang gaganap sa papel na isang babaeng may taglay na kapangyarihan, na kanyang gagamitin sa panahong nakapaghahari ang mga lalaki.
Muli ring lilipad si Captain Barbell ngayong first quarter ng 2011 sa muling pagganap ni Richard Gutierrez sa dual role nina Teng/Captain Barbell. Sasamahan siya ng mga Kapuso actress na sina Solenn Heussaff, Michelle Madrigal, Sam Pinto, Frencheska Farr at Bianca King. Kasama rin sina child-wonder Jillian Ward at multi-awarded actor Christopher de Leon.
- Latest