^

PSN Showbiz

Biniling jet plane itinatanggi ni Jinkee

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Itinatanggi ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang balitang bumili sila ng eroplano na ginamit nilang magbiyahe mula Japan patungong Australia.

Say ni Jinkee: “Baka laruang jet plane siguro. Hindi naman kami gagastos ng ganun kalaki. Siguro iipunin na lang namin para sa mga anak namin!”

“May eroplano kasi si Gov. Chavit (Singson) na ipinahiram sa amin na gamitin namin. Hindi ko binili ’yun,” sagot naman ni Manny.

TANONG : Totoo kayang nairita ang mga tao sa sobrang tagal nang paglabas nina Charice at Gary Valenciano sa 1@11 concert ng Joel Cruz Signatures?

Nagsawa muna ang mga tao sa sobrang haba ng fashion show ng mga produkto ng Aficionado at Joel Cruz Signatures at mga bonggang fireworks at pagrampa ni Joel Cruz, ang tinaguriang Lord of the Scents.

TOTOO KAYANG may kaaway si Bea Binene? Hindi pa namin nakuha ang buong detalye pero ang bagong nakabangga nito ngayon ay ang bagets na anak ni Maritoni Fernandez na si Lexi Fernandez.

TSIKA LANG : Maganda ang feedback kay Kylie Padilla nang kumanta ito sa Party Pilipinas kamakalawa lang para sa promo ng Dwarfina.

Magaling ding sumayaw si Kylie at bihasa rin ito sa Muay Thai, pero ngayon ay nahihilig na ito sa pagkanta at may boses nga.

Sobrang kabado pa ito nang kumanta siya sa Party Pilipinas kaya parang takot na takot pa siyang kumilos. Pero maganda ang timbre ng boses nito kaya iyun daw ang gusto niyang i-develop.

Ang Dwarfina ang unang project ni Kylie sa GMA 7 pagkatapos niyang pumirma ng exclusive contract.

Inaasahang isa siya sa bibigyan ng break lalo na’t kung magpapakitang-gilas ito sa Dwarfina.

Nahihiya pa ang dalagita ni Robin Padilla na sabihin sa amin kung sino sa mga Kapuso male stars ang type niyang makaperaha kung sakaling bibigyan ito ng magandang break ng GMA 7.

                                    

vuukle comment

ANG DWARFINA

BEA BINENE

DWARFINA

GARY VALENCIANO

JINKEE PACQUIAO

JOEL CRUZ

JOEL CRUZ SIGNATURES

KYLIE PADILLA

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with