^

PSN Showbiz

Maraming bisita naisnab nina Regine at Ogie

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Alam n’yo ba na maraming bisita sa kanilang ka­sal noong December 22 ang hindi nakita ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez dahil sa sobrang dami ng mga tao?

Hiyang-hiya nga raw sina Regine at Ogie sa mga invited guest na hindi nila personal na naasikaso. Ang dinig ko, nagkaroon ng dinner ang mag-asawa para sa mga bisita sa kanilang kasal na hindi nila personal na nakita at nakausap.

Dating Mayor Lito, nawala ang bitterness sa mga mi­la­gro ng mga bata

Nag-lunch kami ni dating Manila City Mayor Lito Atienza noong isang araw at napag-usapan namin ang Bahay Kalinga, ang charitable institution na itinataguyod nila ng kanyang asawa.

Tinutulungan ng Bahay Kalinga ang mga babae na nagbubuntis at hindi pinananagutan ng kanilang mga dyowa.

Welcome sa Bahay Kalinga ang unwed mothers kaya nasasaktan si Papa Lito at ang kanyang misis kapag may mga balita tungkol sa mga sanggol na inaabandona ng kanilang mga ina sa eroplano o basta iniiwan sa ibang lugar.

Fourteen years old na ang Bahay Kalinga. Marami na silang mga ina at sanggol na natulungan na magkaroon ng bright future.

May mga sanggol na inampon ng mga foreigner at nakatira na ngayon sa ibang bansa. Ang sabi ni Papa Lito, ang mga bagong silang na sanggol ang type na ampunin ng mga foreigner dahil ang feeling nila, sila talaga ang mga magulang ng mga bagets.

May dalawang bata na hindi pinalad na ampunin kaya ang mag-asawang Atienza ang nag-aruga at nagpalaki sa kanila. Hindi normal ang isang bata dahil autistic ito at bingi. Isipin n’yo na lang ang pagkamangha ni Papa Lito nang biglang magsalita ng “Daddy” ang bagets.

Itinuring ni Papa Lito na milagro ang nangyari at mula noon, nawala raw ang mga bitterness niya sa buhay.

Matagal nang benefactor ng Bahay Kalinga ang Atienza family pero ngayon lamang nagkukuwento si Papa Lito dahil iniiwasan nito na mapagbintangan na ginagamit niya ang institution noong nanunungkulan siya bilang alkalde ng Maynila.

Jake at Melissa lantaran na ang relasyon

Hindi itinatago nina Jake Cuenca at Melissa Ricks ang kanilang love affair dahil nakita sila na magka-holding hands habang rumarampa sa isang mall sa Makati.

Malinaw din ang sinabi ni Jake kay Melissa na “You make me happy.” Ang ibig sabihin, hindi nila inililihim ang kanilang relasyon na matagal-tagal na rin.

AiAI naghihintay ng kaligayahan

Nagpapasalamat kay God si AiAi delas Alas dahil umabot na sa P157 million ang box-office gross ng Ang Tanging Ina Mo Last na ‘To na lalong pinilahan ng manonood nang mag-win ng best picture award.

Kailan naman kaya magkakaroon ng Thanksgiving party ang Star Cinema para sa tagumpay ng pelikula ni AiAi? Kaligayahan na ng isang artista na nararamdaman nito ang pagpapahalaga ng produ ng kanyang successful movie.

Aljur binabantayan ng tRainor

Sineryoso ni Aljur Abrenica ang pagpapayat para sa role niya sa Machete. Lean na lean ang katawan ni Aljur sa unang araw ng taping ng kanyang coming soon show sa GMA 7.

May personal trainer si Aljur na nakabantay sa kanya para ma-achieve niya ang perfect body ni Machete.

Required si Aljur na maging physically fit or else, makakarinig siya ng mga panglalait mula sa mga intrigero at intrigera.

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANG TANGING INA MO LAST

ATIENZA

BAHAY KALINGA

DATING MAYOR LITO

JAKE CUENCA

PAPA LITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with