^

PSN Showbiz

Sarah ayaw pumatol sa mga intriga

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Positive.

’Yan na lang daw ang gustong isipin ngayong Taon ng mga Kuneho ni Sarah Geronimo.

Ayaw nitong mag-entertain ng negative factor. Kung may mga naiwan mang intriga sa katatapos na 2010, kinalimutan na ng Pop Princess. Mas maraming mga magagandang nangyari noong 2010 at hindi ’yun kayang sapawan ng intriga na nangyari.

Kaya ngayong Year of the Rabbit, puro trabaho lang ang gusto niyang asikasuhin.

Maganda ang pasok ng taon dahil ang daming naka-line up na gagawin ni Sarah. Bukod sa shooting ng pelikula nila ni Gerald Anderson, ilang tulog na lang at Valentine concert na nila ng Concert King na si Martin Nievera sa Araneta Coliseum, pinamagatang, What Love Is sa Feb. 12, 8:00 p.m. “Kaya wala na po akong time na mag-isip ng mga ’yun. Tama na po ’yun. Pray na lang tayo for guidance,” sabi ni Sarah sa isang malapit na kaibigan.

Anyway, pareho nang excited sina Sarah at Martin sa kanilang first concert together. Imagine nga naman pinagsama sa isang concert ang dalawang bigating singer natin. Bihirang mangyari ang ganito.

“Akala ko nga po, hindi ito mangyayari. Dati wini-wish ko lang na makasama si Sir Martin sa concert, ngayon heto na. Ilang araw na lang ang hinihintay natin,” sabi ni Sarah sa nauna niyang interview na napansin n’yo ba na parang lalong nagiging sexy at parang lalong lumakas ang sex appeal ng Pop Princess lalo na pag sumasayaw siya sa ASAP?

Dahil nga first time, todo-todo na ang ginagawa nitong paghahanda.

Nakapili na rin si Sarah ng mga kanta na ikagugulat ng mga manonood sa kanila.

“Basta po mga love songs na makaka-relate silang lahat na hindi nila usually napapakinggan,” sabi pa ni Sarah sa interview.

Isa pang aabangan sa concert ay ang mga damit na isusuot nito. Yup, apat na bigating designer ang gagawa ng mga susuotin ni Sarah.

Ang big boss ng Viva Concerts na si Mr. Vic del Rosario pala ang nakaisip ng combination nina Martin at Sarah. Nang maisip ni Boss Vic ang idea, agad-agad nakipag-meeting ang Viva sa kampo ni Martin at sakto, na-excite rin ang Concert King kaya madaling naayos ang What Love Is.

Si Louie Ocampo ang music director at si Rowell Santiago ang concert director.

Tickets are available at P4,000 (Patron A), P3,500 (Patron B), P3,500 (Lower Box), P1,500 (Upper Box A), P1,000 (Upper Box B), and P400 (General Admission).

For ticket inquiries please call 687-7236 or Ticketnet at 911-5555.

*     *     *

Kung maganda ang pasok ng taon kay Sarah, mukhang hindi naman sa movie industry.

Imagine, walang pelikulang Tagalog na naka-schedule ipalabas ngayong buwan. At iilang pelikula pa lang ang kasalukuyang sino-shooting na palabas naman sa buwan ng mga puso.

Kung last year ay more than 30 lang, baka this year ay mas mabawasan pa.

ARANETA COLISEUM

BOSS VIC

CONCERT

CONCERT KING

LANG

POP PRINCESS

SARAH

WHAT LOVE IS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with