^

PSN Showbiz

Pangako ni Ogie, 'pag pumalpak pa ako ngayon dapat na akong ipako sa krus at pagsasaksakin'

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Halos limang milyon pala ang natipid ni Ogie Alcasid sa kasal nila ni Regine Velasquez dahil maraming nag-sponsor/ex-deals. Like libre sila sa venue, food, flowers etc. Pero malaki pa rin ang nagastos niya na ayaw niyang banggitin kung magkano.

“Kaya ngayon heto nagtatrabaho na ako,” natatawang kuwento ni Ogie kahapon sa tsikahan para sa concert nila ni Pops Fernandez na I Valentine U.

Kahit anong pilit, ayaw niyang sabihin. Aminado siyang magastos, pero masaya raw siya dahil dream come true ang nasabing kasalan na hindi niya inaasahan noon na mangyayari. Basta para raw nag-mount ka ng isang concert o katapat ng halaga ng bahay ang nagastos niya.

Kinukuwento rin niya na pinipigilan niyang umiyak noong kasal nila pero hindi niya mapigilan. As in nagkukusang tumulo ang kanyang luha dahil kasama niya ang lahat ng importante sa kanyang buhay.

Ramdam ang saya ni Ogie ngayon after ng kasal nila. Nakakapagkuwento na rin siya tungkol sa mga nangyari noon. Pero ini-emphasized niyang hindi niya pinagsabay noon sina Michelle Van Eimereen (ex-wife niya) at Regine. Immediately after their break up, saka sila nagka-relasyon ng songbird.

Pero meron daw silang picture almost 20 years ago na sinusubuan siya ng cake ni Regine. Birthday daw noon ng ngayon ay asawa na niya kaya binibiro sila ni Pops (Fernandez). “Pero nag-iba ang landas namin,” pag-alala ni Ogie kahapon sa tsikahan.

At kahit second time na niyang ikinasal at three years na silang live in ni Regine, na-excite pa rin siya sa kasalang naganap sa Batangas. “The excitement, probably the same. Ang kaibahan lang, mas mature na ako ngayon,” sabi pa niya.

Dahil dalawang beses na siyang kinasal: “Pag pu­malpak pa ako ngayon, dapat na akong ipako sa krus at pagsasaksakin,” biro niya.

Tungkol naman sa mga ‘karapatan’ ng kanyang mga anak kay Michelle, matagal na raw naayos ang tungkol doon dahil kasama ‘yun sa proseso ng mga bagay-bagay ng hiwalayan nila ng dating asawa.

Samantala, diretso sa Gawad Kalinga ang mga kinita nila ni Regine sa kasalan. Hindi pa nila alam kung isang village ang ipatatayo o ang planong music school para sa mga tinutulungan ng Gawad Kalinga.

Anyway, todo-effort sila ni Regine para makabuo na. Gusto na nilang magkaanak ng little boy.

GAWAD KALINGA

I VALENTINE U

MICHELLE VAN EIMEREEN

NILA

NIYA

OGIE

OGIE ALCASID

PERO

POPS FERNANDEZ

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with