^

PSN Showbiz

Grabe kahit may iba na, Ruffa iniiyakan pa rin si Yilmaz Bektas

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Matutuwa si Ruffa Gutierrez kapag nalaman nito na payag ang nanay niya na magkaroon siya ng ins­pirasyon.

Sinabi ni Bisaya na okay sa kanya na may inspirasyon si Ruffa para hindi na nito iniiyakan ang ex-husband na si Yilmaz Bektas. Sa tono ng boses ni Bisaya, malaki ang tiwala niya kay Ruffa kaya hindi na siya mahigpit sa lovelife ng kanyang anak na nasa hustong gulang na. Matalinong babae si Ruffa at sa mga pinagdaanan niya, tiyak na natuto siya!

Suddenly... ginawa nang My Valentine Girls

May correction please si Annabelle Rama nang magkita kami kahapon sa presscon ng I Valentine U, ang Valentine concert nina Ogie Alcasid at Pops Fernandez sa Crowne Plaza sa Feb. 12.

Ang say ni Annabelle, My Valentine Girls na ang title ng Valentine movie ni Richard Gutierrez, hindi na Suddenly It’s Magic.

Noong Lunes ng gabi napagdesisyunan na palitan ang title ng pelikula at marami ang agree sa My Valentine Girls dahil sa mga babae na kasama ni Richard, sina Eugene Domingo, Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Lovi Poe, at Jillian Ward.

Hiyang sa buhay may asawa si Ogie dahil tumaba at lalo siyang gumuwapo. Obvious na alagang-alaga si Ogie ng kanyang misis na si Regine Velasquez.

Si Ogie ang starring sa Valentine concert na comeback project ni Annabelle bilang concert producer.

Walang Valentine show si Bisaya noong 2010 dahil naging busy siya sa pagma-manage sa career ng kanyang mga alaga.

Lucky charm ni Bisaya si Ogie kaya ito uli ang kinuha niya para maging headliner ng kanyang Valentine show. Makakasama ni Ogie sa I Valentine U si Pops Fernandez at special guests nila sina Regine, Solenn, at ang baguhang singer na si Bea Tantoco.

Mabilis, maubos ang ticket sa mga Valentine show ni Bisaya dahil may mga regular client siya na looking forward sa mga concert na kanyang ipino-produce.

Bohol mas maganda kesa sa Bora

Nagpunta sa Bohol sina Ogie at Regine pagkatapos ng kanilang kasal. Kasama nila sa Bohol vacation ang mag-asawang Michelle Van Eimereen at Mark Murrow, pati ang kanilang mga anak na sina Leila at Sarah.

Puring-puri ni Ogie ang kagandahan ng Bohol. Nag-enjoy ang kanyang mga anak kaya tiyak na babalik sila sa bayan ni Cesar Montano.

Marami ang nagsasabi sa akin na mas maganda ang Bohol kesa sa Boracay at naniniwala ako dahil masyado nang commercialized ang Boracay.

Shalani naki-ride sa private plane ni Chavit Singson

Naniniwala si Bisaya na nagkakamabutihan na sina Shalani Soledad at Willie Revillame. May magagawa ba tayo kung na-develop na ang feelings ni Shalani sa kanyang co-host eh araw-araw silang magkasama?

Kinumpirma ni Bisaya na nagpunta nga sa Boracay si Shalani at sumakay ito sa private plane ni Papa Chavit Singson.

Very reliable source si Annabelle dahil sinalubong nila ng kanyang pamilya ang Bagong Taon sa Discovery Shores sa Boracay at dito sila nagkita-kita nina Shalani at Willie.

Hindi ako nakikialam sa lovelife ng mga alaga ko kaya hindi ako nagtatanong kay Shalani pero nakikinig ako kung type nila na magkuwento, why not?

ANNABELLE

BISAYA

BOHOL

BORACAY

I VALENTINE U

MY VALENTINE GIRLS

OGIE

SHALANI

VALENTINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with