^

PSN Showbiz

Prediksiyon sa showbiz

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Aming kinausap si Madame Suzette Arandela, isang sikat na international psychic and feng shui consultant para hingan ng pahayag para sa The Buzz. Narito ang kanyang mga prediksiyon para sa ilang mga hinahangaang showbiz personalities para sa taong 2011.      

Dolphy — Malalampasan ang pinagdadaanan nito sa kanyang kalusugan. Magiging maganda rin ang pasok ng pera ngayong taon para sa King of Comedy.

“Medyo weak ang kanyang health pero okay pa rin ang taong ito sa kanya, meron akong nakikitang gagaling pa rin siya. Marami pa ring pera ang papasok sa kanya, kung hindi man sa pelikula ay sa ibang areas,” pahayag ni Madam Suzette.

2. Sen. Bong Revilla, Jr. — Kailangang mag-ingat ng husto ng senador. “Mag-ingat sa illnesses and accidents,” seryosong pahayag ni Suzette.

Ang ama naman ni Sen. Bong na si Ramon Revilla Sr. ay mananatili na maayos ang kalusugan. “Wala akong nakikitang masamang mangyayari. Mas maganda, alagaan nilang mabuti sa gamot,” dagdag pa ng sikat na consultant.                  

Piolo Pascual — Hindi magiging ganoon kasuwerte sa taong ito ang ultimate heartthrob. Pagda­ting naman sa love life ng aktor ay hindi pa rin ito desidido.

“Kung noon ay 100% ang kanyang luck, nabawasan ngayong taon. Kailangan talaga na magsikap ulit siya. Napakatahimik niya pagdating sa love life, ang gusto niya private.

“Whatever relationship na nakikita ko sa kanya ay wala pang realization,” ayon pa kay Madam Suzette.                                

4. Sharon Cuneta — Magiging masuwerte ito sa negosyo pero patuloy na uulanin ng mga kontrobersiya ang Megastar.

“Paunlad pa, marami pa siyang investments, payaman pa si Sharon. Marami pa siyang ma-acquire sa business na magbu-boom pa sa kanya. May mga intrigang coming, huwag na lang niyang pansinin,” payo pa ni Madam Suzette.   

5. Vilma Santos — Magiging masuwerte ang Star For All Seasons ngayong taon sa muli nitong pagsabak sa pelikula. Dapat pag-ingatan ni Ate Vi ang kanyang kalusugan. “Maganda rin ang taon niya for 2011. Kung may plano si Ms. Vilma na mag-pelikula, maganda. Ingatan niya ang kanyang lower part. Prone siya sa U.T.I., may kaunting warning. Mag-ingat siya sa pagkain ng maalat dahil ’yung sakit na ’yun ang nakikita ko,” ayon pa kay Ma­dam Suzette.

6. Nora Aunor — Malaki talaga ang chance na muling magbalik sa Pilipinas ang Superstar ngayong taon. “May tendency na umuwi siya. Once na umuwi siya, gagawa siya ng pelikula kaya lang ang problem, ang pagtanggap ulit ng mga tao sa kanya. Kung gagawa siya ng pelikula ay paghandaang mabuti at ’yung tamang role ang gagawin niya,” dagdag pa ni Madam Suzette.

7. Kris Aquino — Magiging masuwerte naman ang Queen of All Media sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay. Tuluyan nang maa-annul ang kasal nila ni James Yap at muling mauugnay si Kris sa isang non-showbiz guy. 

“In all areas siya ay very lucky, sa prosperity, sa happiness niya, sa career. Maraming travel akong nakikita. Matutuloy ’yung annulment, maga-grant sa kanilang dalawa. Mai-in love siya this year sa another man, non-showbiz,” pahayag ni Madam Suzette.

Narito pa ang ilan sa mga prediksiyon o ang mga nakikita ni Suzette na magaganap ngayong 2011. “Meron akong nakikita na papanaw na isang director at isang female celebrity, na bata pa, through accident. May nakikita rin akong veteran actress na papanaw dahil sa sakit. Merong mabubuntis na batang-bata na sikat at talagang pag-uusapan ito. Walang kasalang magaganap if ever mabuntis,” pahabol pa ng psychic.— Reports from JAMES C. CANTOS

ATE VI

MADAM SUZETTE

MAGIGING

MDASH

SIYA

SUZETTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with