^

PSN Showbiz

Star Power Girls naghahanda sa 'mega birthday'

-

MANILA, Philippines - Ilang tulog na lang, “Mega Birthday” na! Kaya naman puspusan na rin ang paghahanda ng buong pwersa ng Star Power para sa isang sorpresang handog sa pinakamamahal na mentor ng mga girls, si Megastar Sharon Cuneta.

“Wish ko para sa aming nag-iisang mentor, siyempre, ay more success at happiness. Nasa kanya na po halos ang lahat. Siguro po ang mahihiling ko na lang talaga ay ’yung magpatuloy ang masaya at peaceful niyang buhay,” sabi ni Angeline.

Ang pagiging handa ng Star Power girls sa pagpasok sa glamorosong mundo ng showbiz ay isa pang regalo na tiyak na magpapasaya kay Mega. Upang tuparin ito, kailangang magkaroon muna ang mga contenders ng kanilang sariling style. Sa tulong ng acclaimed stylist na si Bang Pineda, matututunan ng mga girls na magkaroon ng sarili nilang trademark look.

Matapos ang dibdibang sessions kay Pineda, napagtanto na ng Star Power 6 ang sariling sense of style na nais nilang i-portray. Kilalanin ang mga girls sa pamamagitan ng kanilang trademark titles— Ninay, ang Redhead Pop Punkstar; Akiko, ang Sweet and Sexy Siren; K-la, ang R&B Sweetheart; Monica, ang Charming Biritera; Angeline, ang Pop Belter; at Krissel ang Soulful Diva.

Ngayong Linggo rin, muling haharapin ng Star Power contenders si UP Professor Kitchie Molina para sa isa na namang intense vocal training. Plus, nagbabalik ang bukod-tanging Divine Diva Zsa Zsa Padilla bilang guest judge ng lalo pang umiinit na kumpetisyon.

Sino sa mga Star Power contenders ang mamahalin ng husto? Abangan ngayong Linggo, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.

Para iboto ang iyong paboritong contestant, i-text lang ang SPOWER <space> <name of contestant> at i-send to 2331 para sa mga Globe, TM, at Sun Cellular subscribers at 231 para naman sa Smart and Talk ‘N Text subscribers.

vuukle comment

B SWEETHEART

BANG PINEDA

CHARMING BIRITERA

DIVINE DIVA ZSA ZSA PADILLA

MEGA BIRTHDAY

MEGASTAR SHARON CUNETA

N TEXT

NGAYONG LINGGO

STAR POWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with