Sharon pinagkakakitaan na ang kanyang cake
Maraming showbiz personalities ngayon ang nagtatayo ng sariling business. Ginagawa ito ng iba para magkaroon ng additional income, ngunit ang iba naman ay ginagawang libangan na lamang. Busy man sa kanyang schedules, nakakahanap pa rin ng oras si Sharon Cuneta para sa isa pa niyang passion, ang pagbe-bake ng cake.
Naisipan na rin ng Megastar na gawing negosyo ang paggawa at pagbebenta ng kanyang homemade cakes.
“Gusto ko talagang gumawa ng something na labor of love. Sabi ko kay Tita Fanny (Serrano), sa parlor kasi kapag papadalhan ko siya, ipapatikim niya sa ibang customer. ’Di niya muna sasabihin kung sino, kapag natikman na, sasabihin ang sarap, ganun na. Sasabihin niya, guess mo kung sino ang nag-bake? Siguro five years na may umoorder na ’di alam na ako nagbe-bake,” nakangiting kuwento ni Shawie.
Masayang-masaya ang Megastar dahil patuloy pa rin ang dating ng mga orders para sa kanyang mga cakes. “Dream ko iyon so ngayon ay natutupad na. Frankie also wants, kapag hindi siya busy sa school, gusto niya ring mag-bake. Cookies niya na peanut butter. It’s just cute,” proud na sabi pa ni Sharon.
Liezl Martinez naka-recover na sa cancer
Pagkalipas ng mahigit isang taon mula nang aminin ni Liezl Martinez ang matagal na niyang pakikipaglaban sa sakit na cancer, muli siyang lumitaw ngayon para ibalitang naka-recover na siya mula sa kanyang sakit.
“Sakit? Mukha ba akong may sakit? Wala na ’di ba?” pabirong bungad ni Liezl.
Ngayon ay nasa remission stage ang kanyang cancer kaya patuloy pa rin ang pagmo-monitor nila sa kanyang kalagayan. Sobra ang pasasalamat ni Liezl sa kanyang pamilya dahil sa walang sawa nilang suporta sa kanya.
“Prayers of course and support of my family. I mean kahit anong medicine naman ang ibigay sa ’yo if you don’t wanna fight it or you don’t have family behind you, mahirap,” kuwento pa ni Liezl.
Wala nang mas sasaya pa sa pagdiriwang nila ngayong holiday season dahil buo ang kanyang pamilya. Say ng misis ni Albert Martinez, “This is really a very merry Christmas for me and my whole family.”
Reports from James C. Cantos
- Latest