^

PSN Showbiz

Print ng Agimat. hindi basta-basta mapirata

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May correction please ako sa column ko kahapon.

Nagbago ang isip ko kaya pumunta na rin ako sa intimate victory party ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Tulad ng dati, early bird ako sa Annabel’s restaurant at dito na kami nagkita-kita nina Emma Guevara at Papa Ronald Constantino na birthday kahapon. Happy birthday Papa Ronald! (Happy birthday tito. – SVA)

Intimate victory party ang imbitasyon pero may live coverage ang 24 Oras kaya naaliw ako dahil kung nanood ng TV ang mga gaka, tiyak na sumugod sila sa Annabel’s para maki-party. Para maki-party daw o!

Kahapon ang 6th day ng MMFF at happy pa rin sina Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto dahil pinipilahan pa rin sa takilya ang kanilang pelikula. Congrats uli kina Bossing at Bong, pati na sa mga co-produ ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Ibinalita ni Bossing na as of last Wednesday, umabot na sa P100 million ang box-office gross ng pelikula nila ni Bong.

Magkalaban sa MMFF noong nakaraang taon ang mga pelikula nina Bong at Bossing. Ang sey ni Bossing, pinag-combine na kita ng mga filmfest movie nila ni Bong noong 2009 ang box-office gross ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Digital ang print ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote kaya hindi ito basta puwedeng ma-pirate.

Bantay-sarado ang production staff ng pelikula sa prints para hindi ito makopya ng mga film pirate.

Ewan ko nga ba sa ibang mga kababayan natin kung bakit tinatangkilik pa nila ang mga pirated movie eh chaka ito at malabo.

Gwen sure na uli kay Vic

Nakakasiguro si Gwen Zamora na siya uli ang leading lady ni Bossing sa susunod na Enteng Kabisote.

Tiniyak ito ni Bossing nang magkatsikahan kami sa victory party ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Kung hindi siguro naging girlfriend ni Oyo si Kristine Hermosa, ito pa rin ang leading lady ni Bossing sa Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Rosario mga sosyal ang pumipila

Pinipilahan sa mga sinehan sa Makati City ang Rosario. Ang mga kababa­yan natin na sosyalera ang crowd ng pelikula ni Jennylyn Mercado.

Type na type ng AB crowd ang kuwento ng Rosario dahil sa tunay na buhay, galing sa mayamang angkan ang lola ni Papa Manny Pangilinan kaya naka-relate sila.

Ipinatapon sa Hong Kong si Rosario dahil nakipagtsugihan siya sa ibang mhin. Bongga ang mga mayayaman noong araw dahil kapag napatunayan na nagkasala sila, pinalalayas sila.

ANNABEL

BONG REVILLA

BOSSING

EMMA GUEVARA

ENTENG

ENTENG KABISOTE

SI AGIMAT

SI ENTENG KABISOTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with