^

PSN Showbiz

Kris pinaka-maingay sa 2010

- Veronica R. Samio -

Hindi mapasusubalian na gumawa ng pinakamalaking balita sa local entertainment scene at maging sa pulitika ang tinatawag na Queen of All Media na si Kris Aquino. Naging malaking usapan ang paghihiwalay nila ng napaka-po­pular din at guwapung basketbolistang si James Yap. Pinagtakhan ng marami kung paano niya nakayang hiwalayan ang isang lalaking pinag-interesan at pinagnanasaan ng maraming kababaihan at kabadingan, lalo’t kung iisiping naging isang malaking istorya ang ginawa niyang pamamanhikan sa mga magulang ni James. Saksi ang buong bansa sa pangako niyang mamahalin ito’t hindi sasaktan. Sinira niya ang pangakong ito. Kahit anong pakikialam, panghihimasok at pagmamalasakit ng mga nagpapanggap na kaibigan pero gusto lamang makialam, ng mga totoong kaibigan at maging ng kanyang pamilya, buo na ang pasya niya, ayaw na niyang makipagbalikan pa sa kanyang asawa.

Naging malaking isyu ang paghihiwalay nila ng hindi maganda. Nagkaroon ng palitan ng hindi magagandang salita. Lumabas ang iba’t ibang mga kuwento sa dahilan ng kanilang paghihiwalay pero magpahanggang ngayong nasa korte na ang kanilang kaso, hindi malinaw ang dahilan kung bakit nawala ang init ng pag-ibig, kung bakit ayaw na ni Kris na makipagbalikan.

Anuman ang maging dahilan niya, hindi na puwede pang magsalita ni Kris, pinagbawalan na siya ng korte. At habang hinihintay ang hinihiling niyang pagpapawalang bisa sa kanilang kasal, ang galit ay unti-unti nang napapawi. Sala­mat sa isang tatlong taong gulang na bata na pareho nilang gustong protektahan, bumalik ang dating magandang pagtitinginan pero hindi sapat para muli silang magbalikan. Masaya na si Kris na wala si James. Magiging masaya rin siya kapag nakakita ito ng kapalit niya, ng isang bagong pag-ibig. Puwedeng hindi na sila mag-asawa pero magkaibigan sila, at ito ang higit na mahalaga at makakapagpasaya kay Bimby (Baby James).

Kung inaakala n’yong ending na ito ng makulay na taon sa buhay ni Kris, puwes nagkakamali kayo! Ibinalita niya na pagkatapos na pagkatapos ng termino ng kanyang kapatid na si P-Noy ay lalahok din siya sa pulitika bilang gobernadora ng Tarlac.

Sa ngayon, mag-aartista muna siya. Ayaw na niyang maging producer. Tama na at sapat na ang eksperyensiya niya sa pagpoprodyus ng Dalaw kasama ang kanyang manager. Hindi na niya kakayanin pa ang sundan ito.

“Mag-aartista na lang ako, gusto ko maging isang talent na lang. Marami pa namang offers,” sabi niya.

Bagaman at maraming ulit na siyang nali-link, Kris has decided, sa payo pa rin ng kanyang mga kapatid, na huwag i-prioritize ang kanyang sarili, huwag muna siyang umibig. Unahin muna niya ang pagiging ina at mag-concentrate sa dalawa niyang anak na sina Joshua at Baby James.

Sa pagpapalit ng taon, asahan din ang pagpapalit ng mga kaganapan sa buhay artista at maging sa personal na buhay ni Kris. Maaaring hindi muna siya makipagrelasyon pero sino ang makakapigil kung gusto niyang pasayahin ang kanyang sarili sa pakikipag-date sa iba? Andiyan si Mayor Junjun Binay ng Makati na sinabi niyang hindi niya tatanggihan kapag niyaya siyang mag-date. Andiyan din si Ted Failon na binibiro-biro niya pero sino ang makapagsasabi, baka ang biruan nila ay mauwi sa totohanan.

Biyudo pareho ang dalawang lalaki at annulment na lamang ang kulang para masabing dalaga siyang muli.

* * *

Kahit ano pang pagpapaliwanag ang gawin ng maraming tao para ipagtanggol ang naging desisyon ng mga tumayong hurado sa katatapos na MMFF Awards Night ay hindi pa pa rin justified ang hindi nila pagkakanomina kay Albert Martinez bilang best director gayung dalawang best picture ang tinanggap ng pelikula nitong Rosario.

* * *

Mukhang nagiging palaaway si Jake Cuenca. Una ay nabalita itong nakipagsuntukan kay Jason Abalos dahil sa girlfriend niyang si Melissa Ricks. Pagkatapos ay kay Coco Martin naman, pero sa huli ay nag-sorry siya. Bakit hindi kaya kay Jason? Totoo kayang binabantayan ni Jason si Melissa na ipinagselos si Jake?

Anumang masamang balita tungkol sa kanya, walang panahon si Jake na bigyan ito ng importansiya. Marami rin siyang trabaho para aksayahin ang kanyang panahon sa mga walang kabagay-bagay. Dumating din ang kanyang pamilya mula sa Spain para rito magdiwang ng Kapaskuhan. Kasama niya si Melissa na nag-asikaso sa kanila. Mag-isa lang dito si Melissa dahil nasa ibang bansa din ang kanyang ina.

Isang pares na hikaw ang regalo si Jake kay Melissa at sapatos at relo naman ang pamasko sa kanya ng aktres.

ALBERT MARTINEZ

ANDIYAN

AWARDS NIGHT

BABY JAMES

COCO MARTIN

KANYANG

NIYA

NIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with