Kris at Sharon may kumpetisyon sa mga gamit sa kusina
Hindi natitinag sa No. 1 slot ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote sa ginaganap na Metro Manila Film Festival.
Sa ikatlong araw nito, no. 1 pa rin ang pelikula nina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto. Second pa rin ang Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To ni AiAi delas Alas na mas nadagdagan ang gustong manood matapos itong maghakot ng award sa Gabi Ng Parangal ng MMFF.
Narito naman ang unofficial report sa day 3 na kita ng MMFF :
Agimat – P18 million; Tanging Ina – P16.5; Dalaw – 9.3 million; Shake Rattle and Roll - P5.6 million; RPG - P3.5 million; Inday – P2.2 million; Rosario – P2.1 million and Jejemon - P800,000.
Sa overall na kita sa apat na araw narito ang unofficial figures :
Enteng 86.7 M, T Ina 67.9M, Dalaw 40.6M, Shake 29.1M, RPG 15.3M, S Inday 10.9M, Rosario 9M, Jejemon 3.8M
Suweldo na, sana ngayong weekend mas marami pang manood ng pelikula dahil balitang nadagdagan ang mga sinehang pinaglalabasan.
Teka ano kayang pelikula ang hindi na mapapanood after a week?
Usually, pag hindi gaanong tinatao, nagde-desisyon ang mga sinehan na i-pull out na ang sine at palitan ng mga malakas pa.
Kawawa naman ang mauunang tatanggalin. Siguradong hindi pa ito nakakabawi.
* * *
Tahimik pa ang showbiz ngayon. Walang masyadong istorya.
Karamihan sa mga artista, sinasamantala ang bakasyon para makapagpahinga.
Pero ang kauna-unahang istorya na lalabas ay ang kasalang Oyo Boy Sotto and Kristine Hermosa sa January 12 ng year of the rabbit. Pero tahimik ang mag-dyowa tungkol sa detalye ng kasalan nila. Balitang gusto nilang maging pribado ito.
Ano kayang magiging malaking story sa taon ng mga rabbit?
* * *
Curious lang ako : Kanino kayang line of kitchen utensils ang bumebenta? Ang kay Kris Aquino or kay Megastar Sharon Cuneta?
Back to back sa isang display area ng SM ang mga items nila na nakapangalan sa kanila.
In fairness affordable ang mga items nila. Pero sad lang na nung time na ososyuhin ko, walang namimili.
- Latest