^

PSN Showbiz

Jewel pressured sa Kapamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Inaabangan na ngayon pa lamang ang teleseryeng pagtatambalan nina Gerald Anderson at Jewel Mische. May mga balitang hindi pa rin daw tanggap ng ilang Kimerald fans ang tuluyang paghihiwalay ng landas nina Kim at Gerald. Ngayon ay naniniwala si Jewel na matatanggap din ng mga fans ang tambalan nila ni Gerald. “Alam n’yo sa totoo lang, hinahangaan ko po ang pag-suporta ng mga fans nila. Hinahangan ko ‘yung tambalan nina Kim at Gerald. I think it’s a normal reaction, ang tagal nilang magkasama pero kung sa umpisa may mga reactions na hindi maganda, sa tingin ko po, eventually mawawala rin ‘yun at matatanggap din po nila,” pahayag ni Jewel.

Mayroon ding pakiusap sa fans ang bagong leading lady ni Gerald. “Sana maintindihan po nila, parang tulong na rin po nila sa akin na nag-i-start po at nangangako naman ako na ibibigay ko yung best ko,” seryosong dagdag pa ni Jewel.

Pressured daw ngayon ang young actress na makipagsabayan sa ilan pang drama princesses ng Kapamilya network. “Mayroong pressure at kaba, at the same time challenge sa akin pero ako po ay nagsisimula pa lang, alam kong matututo pa ako sa kanilang lahat, kasi lahat sila ay established na,” pagtatapos ni Jewel.

Ngayong Sabado ay isang New Year special ang handog ng Maalaala Mo Kaya, tampok sa special episode na ito si Jewel kaya mapatutunayan niya ang kanyang husay sa pag-arte. Makakasama rin ni Jewel si Baron Geisler sa nasabing episode.

Melissa sa pamilya ni Jake nagpasko

Nagkakamabutihan na talaga ngayon sina Jake Cuenca at Melissa Ricks. Inamin ni Jake sa SNN (Showbiz News Ngayon) na magkasama silang nag-Pasko ni Melissa. “Noong 24, Noche Buena sa bahay doon sa dad side ko. Noong 25 sa mom side. Isinama ko si Mel, magkasama kami ng Christmas. Two days, 24 and 25 ay magkasama kami. ‘Yung mommy niya kasi ay nasa States,” pagtatapat ni Jake.

Maituturing daw ni Jake na isa ito sa pinakamasaya niyang pagdiriwang ng Pasko dahil kasama niya si Melissa. “Sa akin kasi basta may free time, I’d like to spend it with her. So ngayon may mga free days. Masaya, best Christmas ever,” nakangiting kuwento pa ng binata.

Ano kaya ang naging regalo nila para sa isa’t isa? “Niregaluhan ko siya ng earrings. Niregaluhan niya ako ng sapatos saka relos,” pagtatapat pa ni Jake. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BARON GEISLER

GERALD ANDERSON

JAKE CUENCA

JEWEL

JEWEL MISCHE

MAALAALA MO KAYA

MELISSA RICKS

NEW YEAR

NGAYONG SABADO

NIREGALUHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with