^

PSN Showbiz

Protesta sa MMFF, taun-taon na lang!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Taun-taon na lang, may mga nagpoprotesta sa mga winner ng Metro Manila Film Festival pero wala na silang magagawa dahil naipamahagi na ang mga award kaya hindi na ito puwedeng bawiin.

May mga tao na magagaling magreklamo at magsalita na si ganoon at si ganireng artista ang dapat mag-win ng best actress at best actor trophy pero wala pa pala silang napapanood na filmfest entry. Ibinase lang nila ang opinyon sa mga trailer ng pelikula na kanilang napanood. Kaloka di ba?

Pero kung tatanungin ninyo ang mga judge ng MMFF, kuntento sila sa listahan ng winners at tiniyak nila na walang palakasan na nangyari. Consistent ang kanilang mga explanation, panoorin muna ang walong pelikula na kasali sa MMFF para makita ng mga nagrereklamo na naging patas ang pagboto nila.

As of yesterday, nangunguna pa rin sa takilya ang Si Agimat at si Enteng Kabisote at sinusundan ito ng Ang Tanging Ina Mo.

Mahirap nang malampasan ng ibang filmfest entry ang box-office gross ng Agimat at ng Ang Tanging Ina. Congrats uli kina Bong Revilla, Jr., Vic Sotto, at AiAi delas Alas.

Startalk maninigbak sa Bagong Taon

Araw ng Sabado ang January 1, 2011 at dahil unang araw ng taon, live na live ang Startalk.

As usual, titigbakin sa Tigbakan Alley ng Startalk ang mga nakakalokang outfit ng mga dumalo sa awards night ng MMFF.

May idea na ako sa mga katigbak-tigbak na artista dahil nakita ko sa mga diyaryo ang litrato ng kanilang mga gown at suit.

Ang Tigbakan Alley ang isa sa pinaka-popular segment ng Startalk dahil inaabangan ito ng televiewers.

Life Story ni Shalani 21 pages

Sinabi ko kay Shalani Soledad na bumili siya ng maraming kopya ng YES! Magazine, lagyan niya ng dedication at ipamigay sa kanyang mga kaibigan.

Maganda talaga ang pagkakasulat nina Jo-Ann Maglipon at Anna Pingol sa life story ni Shalani.

Worth-reading ang article na 21-pages ang haba na hindi na mauulit dahil nagsalita nang tapos si Shalani na hindi na siya magpapainterbyu tungkol sa kanyang personal na buhay porke talagang uncomfortable siya.

Sina Shalani at Jinkee Pacquiao ang mga cover girl ng January 2011 issue ng YES! Nakakaloka ang mga kuwento ni Jinkee tungkol sa lovelife ng kanyang mister na si Manny Pacquiao!

Hubert Webb kilalang-kilala si Amanda Page

 Natawa ako sa joke na si Hubert Webb ang pina­ka­masaya nang mag-perform si Amanda Page sa MMFF awards night.

Kasikatan ni Amanda nang makulong si Hubert noong 1995 at may joke na dahil sa matagal na pagkakakulong, ang mga artista noon ang tanging kilala ng anak ni Papa Freddie Webb.

In fairness kay Amanda, hindi nagbago ang itsura niya. Bagets na bagets pa rin ang kanyang face at hindi siya nagkaroon ng unwanted pounds. Kitang-kita na happily-married si Amanda sa kanyang mister na psychiatrist sa Amerika.

vuukle comment

AMANDA

AMANDA PAGE

ANG TANGING INA

ANG TANGING INA MO

ANG TIGBAKAN ALLEY

ANNA PINGOL

HUBERT WEBB

SHALANI

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with