^

PSN Showbiz

Best Actress award ni AIAI ibinahagi kay Jennylyn

- SEEN SCENE -

SEEN: Walang impact ang Burlesk Queen-inspired production number sa awards night ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Walang reaksiyon ang audience sa burlesque dance ni Amanda Page na ipinakilala bilang Dance Diva from New York.

 SCENE: Hindi dinalaw ng suwerte ang Dalaw ni Kris Aquino dahil hindi ito nanalo ng award sa MMFF Gabi ng Parangal.

SEEN: Marami sa mga award presenters ang “The who?” at hindi agad nakilala ng mga tao.

SCENE: Mali ang akala ni AiAi delas Alas na nominado sa best actress category si Jennylyn Mercado.

Ibinahagi niya ang kanyang best actress award kay Jennylyn.

 SEEN: Nagbago ang mukha ng nanay ni Jennylyn Mercado nang hindi niya marinig ang pangalan ng anak sa anunsiyo ng top three best actress nominees. Sina AiAi delas Alas, Carla Abellana, at Marian Rivera ang top three nominees.

SCENE: Nalungkot si Albert Martinez at ang mga kasama nito dahil hindi siya nominated sa best director category.

Kasama ni Albert sa awards night ang kanyang buong pamilya.

SEEN: Marami ang hindi makapaniwala sa balita na limang milyong piso ang nagasta sa pagbuo ng float ng Rosario.

 SCENE: Sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang winners ng best dressed actress and actor, respectively.

Pampalubag-loob award ang another term sa special award na kanilang napanalunan.

 SEEN:  Edited ang acceptance speech ng mga major winners sa delayed telecast ng MMFF awards night sa GMA 7.

 SCENE: Fashion stylist si Alyanna Martinez ngunit fashion victim siya sa gown na kanyang suot sa MMFF Awards Night.

ALBERT MARTINEZ

ALYANNA MARTINEZ

AMANDA PAGE

AWARDS NIGHT

BURLESK QUEEN

CARLA ABELLANA

DANCE DIVA

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with