^

PSN Showbiz

Dolphy vindicated!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Vindicated ang hari ng komedya na si Mang Dolphy sa mga nambatikos sa pelikula niyang Father Jejemon.

Kasi naman itong ibang mga nag-react agad, hindi muna pinanood ang pelikula. Basta na lang sila nanghusga. Napanood lang nila ang trailer, ayun na. Nagpa-interview at nag-react na with matching panawagan na i-boycott ang pelikula. Hindi man lang iginalang si Mang Dolphy.

Paano ’yan, nanalo siyang best actor for the movie?

After nilang mag-ingay saka nila binawi na wala naman palang masama sa ilang eksena sa pelikula.

Hay sayang, ramdam ngayon ang epekto sa pelikula ng ginawa.

Sana ay pinanood muna nila noon bago sila nagdaldal.

Anyway, bukod sa pagiging best actor, best supporting actor din si Mang Dolphy para naman sa pelikulang Rosario.

Sadly, hindi siya nakarating sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night na ginanap sa Meralco Theater dahil ’di na nga siya puwede sa matataong lugar dahil sa kasalukuyan niyang kalagayan.

Sana ay makatulong ang nasabing award ng Comedy King para mas maraming manood sa kanyang last movie. Siya na mismo ang nagsabi na last movie na niya ang Father Jejemon kaya sana mapanood ito ng lahat.

* * *

Nakakaaliw ang Gabi ng Parangal ng MMFF na ipinalabas sa GMA 7. Ang siste, mga taga-ABS-CBN para sa Ang Tanging Ina Mo Rin Last Na ’To at RPG Metanoia ang karamihan sa nanalo.

May mga nakuha ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote, pero dalawa lang.

Narito ang listahan ng ilang mga nanalo.

Best Make-up: Si Agimat At si Enteng Kabisote

Best Visual Effects: Si Agimat At si Enteng Kabisote

Best Editing: John Wong for Rosario

Best Theme Song: Kaya Ko from RPG Metanoia

Best Sound Recording: RPG Metanoia and Super Inday and the Golden Bibe

Best Production Design: Joey Luna, Micki Hahn for Rosario

Best Cinematography: Carlo Mendoza for Rosario

Male Face of the Night: Sen. Bong Revilla, Jr.

Female Face of the Night: Sam Pinto

Best Dressed Male Celebrity: Dennis Trillo

Best Dressed Female Celebrity: Jennylyn Mercado

Best Float: Rosario

BEST

BEST CINEMATOGRAPHY

BEST EDITING

BEST FLOAT

BEST MAKE

BEST PRODUCTION DESIGN

ENTENG KABISOTE

FATHER JEJEMON

MANG DOLPHY

SI AGIMAT AT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with