Kris parating iniisip ang kikitain ng Dalaw
Co-producer si Kris Aquino ng Dalaw, pero kahit anong pilit at kulit, hindi nito sinasabi kung magkano ang nagasta nila sa pelikula, sa ibang source namin nalamang P44 million ang nagastos ng mga producers at one third nito ang share ng TV host-actress at ni Deo Endrinal. Hindi namin alam kung magkano ang share ni Edgar Mangahas at ng Star Cinema.
Ang kuwenta ni Kris, kailangang maka-P90 million gross ang movie para makabawi, P100 million para sila’y maging masaya, “At P130 million for us to be very, very happy.”
Third day showing na ngayon ng eight entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF), may trend na kung magiging very happy o very, very happy sina Kris at kung matutupad ang wish nitong mag-number three ang Dalaw sa box-office.
Natawa kami sa tsika ni Kris na habang umaarte siya, kinukuwenta niya sa isip niya ang nagagastos ng pelikula nila, kaya as much as possible, ayaw niyang mag-retake ng eksena dahil mahal at panibagong gastos.
Aktres na nagpresyo ng doble ’di hinabol ng isang network
Talent fee pala ang main reason kung bakit hindi natuloy mapasama ang magaling na aktres sa cast ng malaking soap ng isang network. Nagpresyo ng mataas ang aktres pero hindi kinagat ng network dahil feeling nila, sobra ang hinihingi nito.
Doble sa TF ng aktres sa pinanggalingang network ang hiningi nitong bayad sa sisimulang soap, pero sa halip na ibigay, pinalitan na lang siya. Bale ba’y kaibigan pa ng aktres ang aktres na ipinalit sa kanya sa importanteng role sa soap.
Sayang dahil guaranteed contract for one year ang ibibigay sana sa aktres at multiple show ang ibibigay sa kanya. Bukod sa soap, may isa pa siyang show na gagawin at bibigyan pa sana ng lifestyle show, pero hindi na ito matutuloy.
Regine tatlong linggong pahinga
Three weeks ang hininging bakasyon ni Regine Velasquez sa GMA 7 para makapagpahinga after her wedding to Ogie Alcasid at makapamasyal kasama ang pamilya sa Bohol at Boracay at magkaroon sila ng time together with her husband.
Hindi maaapektuhan ang takbo ng taping ng I Heart U Pare kahit Jan. 10 pa siya magre-resume ng taping dahil buo na ang pilot episode at pang-four weeks na ng rom-com series nila ni Dingdong Dantes ang iniwan niya, bago ang kanyang kasal.
Walang contribution sa concept ng series si Regine, pero happy siya sa concept at sa mga eksenang kinunan na nila ni Direk Andoy Ranay. Tuwang-tuwa ito na karamihan sa kasama niya’y bakla at sina Dingdong at Marc Abaya lang ang tunay na lalaki.
Bago ikasal, nag-renew ng kontrata sa GMA Network ang Song Bird.
- Latest