^

PSN Showbiz

Maaksiyong umaga ng Kapuso kasama si Jackie Chan

-

MANILA, Philippines - Simula ngayong Lunes, Disyembre 27, mas maaksiyon at mas masaya ang umaga ng mga Kapuso viewers sa pagsisimula ng kinagigiliwang cartoon series na Jackie Chan Adventures.

Ang Jackie Chan Adventures ay cartoon series tungkol sa misyon ni Jackie na ipunin ang 12 magic talismans na may iba’t ibang kapangyarihan. Gamit ang kanyang galing sa pakikipaglaban, hinahadlangan niya ang dragon na si Shendu at ang mga kakampi nito upang magamit ang mga talisman sa kanilang masasamang hangarin.

Sa palabas na ito, makikitang sadyang ginawang animation ang mga galaw at ang humor ng sikat na Asian action superstar na si Jackie Chan.

Bukod sa mga fight scenes, kapupulutan din ang cartoon series ng aral tungkol sa pagkakaisa ni Jackie at ng J Team at sa relasyon ni Jackie sa kanyang pamangkin na si Jade.

Mapapanood ang Jackie Chan Adventures tuwing 8:50 a.m., Lunes hanggang Biyernes, sa GMA 7.

vuukle comment

ANG JACKIE CHAN ADVENTURES

BIYERNES

BUKOD

DISYEMBRE

GAMIT

J TEAM

JACKIE

JACKIE CHAN

JACKIE CHAN ADVENTURES

KAPUSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with