^

PSN Showbiz

Agimat... umariba sa takilya

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Hindi sumalto ang mga predictions. Nanguna nga ang Si Agimat at si Enteng Kabisote sa mga pelikulang ipinalalabas sa kasalukuyang ginaganap na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon sa unofficial reports, kumita ang nasabing pelikula nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto ng more than P30 million — as of 10 p.m. last Saturday night — Metro Manila P15,591,091 at P15,194,156 million sa probinsiya.

At ang first day gross na ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote ang highest gross for a single day sa lahat ng Pinoy films, ayon pa sa unofficial report na lumabas kahapon.

Pumapangalawa naman ang Ang Tanging Ina Mo Last Na ’To ni AiAi delas Alas.

Naka-P21 million pesos ang pelikula ng Star Cinema, ayon sa report.

Pang-third ang Dalaw ni Kris Aquino, P12.5 million; fourth – Shake Rattle and Roll12, P11.8 million; fifth RPG, P5.1 million; Super Inday, P4.7 million; ika-pito ang Rosario, P3.2 million, and nasa pang-walong puwesto ang Father Jejemon ni Mang Dolphy, P1.4 million.

Unofficial pa, kaya siguradong magkakaroon pa ng mga changes sa figures lalo na nga’t kagabi ginanap ang awards night ng MMFF.

Ibig sabihin nito, mas malaki ang kinita ng filmfest ngayong taon dahil sa laki ng kinita ng mga pelikula.

By the way, nagkaroon na ng victory party si AiAi kagabi.

* * *

Actually, in fairness sa Si Agimat at si Enteng Kabisote, mas makinis ang version ngayon ng pinagsamang pelikula — in terms of story and direction at hindi puwedeng kalimutan ang effects nila.

Lumabas din dito ang pagiging action star ni Vic at si Sen. Bong nagpaka-komedyante.

‘Nakapasok’ din ang mga endorsements ni Bossing Vic.

Anyway, hanggang sa bago mag-Pasko ay hindi na ma-compute ni Andeng Bautista-Ynares (ng Imus Productions) ang laki ng gastos ng pelikula dahil sagad-sagad talaga ang gastos nila.

Pero ngayong dinadagsa ng mga tao sa mga sinehan ang pelikula, siguradong malaki pa rin ang kikitain kahit na sobrang laki rin ng puhunan nila.

* * *

May grupong naninira kay Bea Alonzo sa e-mail. Tinatawag siyang imoral at masamang babae.

Dahil ba ito sa naging relasyon niya kay Gerald Anderson na ngayon naman ay balitang si Zanjoe Marudo ang karelasyon?

Kawawa naman si Bea. Paskung-Pasko eh nirat­rat siya ng intriga.

* * *

Nasa The Buzz na kahapon si Kris Aquino. As usual, non-stop ang kuwento ng actress-TV host tungkol sa kanya. Hiningi rin niyang Christmas gift ang issue ng love life ng kanyang kapatid na si Presidente Noynoy Aquino. Bigyan naman ng privacy ang kapatid. Kaya ang nangyari, hindi na gaanong makasingit sina Toni Gonzaga at KC Concepcion.

Nasa Amerika si Charlene Gonzales na kasama sa programa.

ANDENG BAUTISTA-YNARES

ANG TANGING INA MO LAST NA

BEA ALONZO

BONG REVILLA

ENTENG KABISOTE

KRIS AQUINO

MILLION

SI AGIMAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with