^

PSN Showbiz

Ronnie nagtuturo rin ng martial arts sa OMB

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Naging matagumpay noong nakaraang taon ang ipinaglaban ni Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts na walang na-pirate sa lahat ng pelikulang ipinalabas sa Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya pinapurihan siya ng mga bumubuo sa film industry lalo na si Sen. Bong Revilla, Jr.

’Yan din ang layunin niya sa taong ito - zero piracy campaign sa mga entries ng film festival. Nakikipag-coordinate si Chairman Ronnie sa mga Muslim brothers natin na tumutulong sa kanyang kampanya laban sa pamimirata dahil naniniwala sila na sinsero ang kanyang layunin.

Sa kanyang panunungkulan, malaki ang nagawa ng action star para sa industry laban sa piracy at natugunan ang pangakong tagline: ‘‘Sugpuin ang Pirate Tulungan ang Ekonomiya.’’

Bukod sa raid na isinasagawa ng ahensya ng OMB nagsilbing magandang halimbawa sa kanyang mga tauhan si Chairman Ronnie kung kasipagan at dedikasyon sa trabaho ang pag-uusapan. Tuluy-tuloy ang mga activities nito, ang campus tour at pagsasagawa ng basketball exhibition o competition kasama ang mga artista kung saan nakikipag-ugnayan ito sa barangay captain ng iba’t ibang lokalidad para tumulong sa pagsugpo ng film piracy.

Meron ding nadagdag na activities para sa mga empleyado ng OMB, ang pagtuturo niya ng libreng martial arts tuwing Lunes ng umaga gayundin ang isang running club tuwing Thursday.

Kinilala rin ng mga taga-Famas ang kanyang dedikasyon gaya ng yumaong Fernando Poe, Jr. kaya pinagkalooban ng karangalan ng FPJ Memorial Award dahil sa pagmamahal sa pelikulang Tagalog. Napasama rin si Chairman Ronnie sa Walk of Fame ni German Moreno.

Vic naiilang na kay Kristine

Malaking karangalan para sa isang baguhang artista gaya ni Gwen Zamora na maging kapareha ni Vic Sotto sa MMFF entry na Si Agimat at Si Enteng Kabisote. Siya ang bagong Faye na dating ginampanan ni Kristine Hermosa.

Naiilang si Vic na kunin pa itong kapareha dahil magiging manugang na niya ito na ikakasal kay Oyo Sotto ngayong Enero 11.

*    *    *

Personal: Pasasalamat sa mga nakaalala sa amin ngayong Kapaskuhan gaya nina OMB Chairman Ronnie, Atty. Ariel Inton, at Dr. James Dy ng Chinese General Hospital.

vuukle comment

ARIEL INTON

BONG REVILLA

CHAIRMAN RONNIE

CHAIRMAN RONNIE RICKETTS

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DR. JAMES DY

FERNANDO POE

GERMAN MORENO

GWEN ZAMORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with