Paiba-iba, playboy talaga... P-Noy may bago na namang ka-date
SEEN : Paputul-putol ang coverage ng Q11 sa Metro Manila Parade of Stars noong Biyernes.
SCENE : Kuwarenta anyos na si Kris Aquino. Wa epek na ang mga publicity na nag-react ang kanyang mga kapatid dahil sa rami ng kissing scene nila ni Diether Ocampo sa Dalaw.
SEEN : Ang date ni P-Noy at ng isang unidentified woman sa Old Swiss Inn, Makati City noong Huwebes ng gabi. Tahimik at tagong lugar ang Old Swiss Inn.
SCENE : Huli na nang burahin ni Cristine Reyes ang nakaka-offend na tweet niya laban kay Sharon Cuneta dahil nakarating agad ‘yun sa veteran actress-singer.
SEEN : Lumipad sa Amerika ang mag-asawang Lea Salonga at Rob Chien noong Huwebes. Project ni Rob ang RPG Metanoia pero hindi siya makakadalo sa MMFF awards night dahil nag-Pasko sila ng kanyang pamilya sa US.
SCENE : Agaw-eksena sa parada ng MMFF ang mga presidential security guard na nakabantay sa float ng Dalaw.
SEEN : Mamaya na ang gabi ng parangal ng MMFF sa Meralco Theater at mapapanood ang delayed telecast sa GMA 7.
SCENE : Magsisimula sa January 2011 ang Season 10 ng American Idol.
- Latest