Sarah pinatawad na si Cristine?!
Napatawad na raw ni Sarah Geronimo si Cristine Reyes. Yup, ayon sa isang source, hindi marunong magtanim ng galit si Sarah dahil ang parati raw nitong katuwiran ay kung ang Diyos nga nakapagpapatawad, siya pa na isang tao lang lalo na’t panahon ng Kapaskuhan.
Saka wala naman daw basehan ang mga pang-aaway ng sexy star sa pop pincess kaya hindi na lang nito sineryoso ang issue lalo na’t wala naman siyang intention na paringgan si Cristine na si Rayver Cruz naman ang nagdaldal.
Ngayon ay tahimik na ang paligid nina Sarah at Cristine matapos siyang mag-sorry kay Sarah.
Nandamay pa si Cristine ng ibang tao. At si Ms. Sharon Cuneta pa kaya lalong napasama si Cristine.
New Year na next week at sana isama ni Cristine sa kanyang New Year’s Resolutions ang pagiging behave at hindi palaaway. Hindi na nagiging maganda ang image niya. Sinasayang niya ang ginagawang pag-iingat sa kanya ng Viva Artist Agency na nag-aalaga sa career niya.
Anyway, magiging busy ang pasok ng taon kay Sarah. Next year ilulunsad ang kanyang bagong album from Viva Records, susundan ng concert nila ni Martin Nievera sa Araneta Coliseum na What Love Is plus her movie with Gerald Anderson under Star Cinema and Viva Films.
“Kaya nga wala siyang time para sa mga intriga. Alam mo naman si Sarah, ayaw niyang may kaaway. Gusto niya, tahimik na buhay at mas gustong magtrabaho,” ayon pa sa source.
* * *
May Pinay na nag-participate sa Christmas mass ng Mahal na Papa sa Vatican the other night.
Napanood ang Christmas eve mass sa ANC kahapon.
* * *
Masyado ring mabait ang ABS-CBN. Ibinalita at ipinakita nila ang title ng programa ni Willie Revillame sa TV5 kung saan may namatay na lola sa pila sa TV Patrol last Friday night.
Puwede naman sana nilang hindi na binanggit ang title ng programa o pangalan ng host pero mas pinili nilang banggitin.
Malaking issue pa rin hanggang ngayon ang kaso ng dalawang kampo. Nag-demandahan sila.
In a nutshell : Si Revillame ang naunang nagsampa ng 11 milyong pisong kaso sa Quezon City Regional Trial Court na humihiling sa korte na maglabas ng judicial confirmation upang tapusin na ang kanyang kontrata sa ABS-CBN. Sinagot naman ito ng ABS CBN sa pamamagitan ng pagsasampa ng 426 milyong pisong civil case laban kay Revillame at iginiit na hindi pa tapos ang kontrata ng TV host sa network. Maliban dito, hiniling din ng ABS-CBN sa korte na maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban kay Revillame.
Samantala, si Judge Joselito Cortez, na siyang duminig sa kaso ay hindi pumayag sa pagpapalabas ng TRO at sa halip ay inutusan si Revillame na magbayad ng 426 milyong pisong bond. Kamakailan lamang, nag-inhibit na sa kaso si Judge Cortez.
Pero balitang ang pirma na ginamit ni Revillame ay iba sa pirmang kanyang ginamit sa ibang mga dokumento na isinumite sa korte.
Sinasabi ng mga abogado na kapag napatunayan ang sinasabing pagpeke ng pirma o forgery, mahaharap si Revillame sa kasong criminal ukol sa forgery at falsification of commercial document. Dahil dito, inaasahan na magsasampa ng kaso ang ABS-CBN laban kay Revillame. Kapag napatunayan ang forgery, maaaring makulong si Revillame hanggang 12 taon.?
Malaking battle court pa rin ito na siguradong aabangan natin sa pagpasok ng bagong taon.
- Latest