^

PSN Showbiz

Aljur walang bakasyon sa pasko

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Habang ang lahat ay nagi-enjoy ng kanilang Christmas vacation, trabaho naman ang inaatupag ni Aljur Abrenica bilang paghahanda sa bago niyang teleserye, ang Machete. Malaki na at maganda ang panganga­tawan ni Aljur pero gusto niyang perfect ito para sa nasabing serye na magsisimula na bago matapos ang 2010.

Seksi ang Machete, hindi ko lang alam kung gaano kaseksi pero siguro naman gagawin itong angkop sa telebisyon kung saan maraming bata rin ang nakakapanood. Baka naman sa love scenes ito bumawi.Istorya kasi ito ng isang iskultor na babae na lumikha ng isang istatwa ng lalaki na nagkakaroon ng buhay at nagiging lover niya by night.

I’m sure GMA will not be disappointed with Bela Padilla bagaman at kasama rin sa cast si Ryza Cenon. Whatever, sumusugal na ng malaki ang Kapuso Network sa isang bagong palabas at bagong kumbinasyon ng mga artista. Good luck!

* * *

Sa lakas ng dasal ni AiAi delas Alas na maging best actress sa MMFF, baka naman mapagbigyan siya, tutal huling serye na ito ng Tanging Ina Mo. Marami naman ang nagsasabi na maganda na ang acting niya sa pelikula. Bagaman at kilalang komedyante, meron din siyang dramatic moments at naitawid niya ito ng magaling.

Dapat sigurong kabahan dito si Jennylyn Mercado dahil kahit liyamado na siya, maraming bagay ang nakukuha sa dasal, baka pati pagiging best actress.

At any rate, parang tatlo lamang sila nina Kris Aquino na naglalaban sa kategoryang ito. Ang nakakatuwa ay baka malusutan pa sila ni Tetay. Ano nga kaya?

* * *

May plano palang pagsamahin sina Aga Muhlach at Willie Revillame sa isang sitcom sa TV5. Silang dalawa rin kaya ang producer ng nasabing palabas?

Suwerte ng TV5 dahil hindi na sila nahirapan pang kunin si Aga. He was ready for the picking. Timing lang ang kailangan.

Kung dati ay may pinaka-maraming artista sa ABS-CBN, pinaka-marami rin ang mula sa kanila na lumi­lipat ng TV5. Baka naman kalabas-labas nito, maubusan na ng Kapamilya artists.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BELA PADILLA

JENNYLYN MERCADO

KAPUSO NETWORK

KRIS AQUINO

RYZA CENON

TANGING INA MO

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with