^

PSN Showbiz

Anne ayaw maging manager ng kapatid

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tama ba kaming ikinatuwa ni Anne Curtis ang balitang hindi makakatapat ng showing ng  Who’s That Girl nila ni Luis Manzano ang trilogy at Va­lentine movie ni Richard Gutierrez? Sa February 2 ang playdate ng movie nila ni Luis at Feb. 9 naman yata ang showing ng Suddenly It’s Magic movie ni Richard.

Kaibigan ni Anne si Richard at close siya sa pamilya nito at hindi siguro niya feel na sila ng ex ang magbabanggaan sa takilya. Although sinabi nitong magkaiba ang genre ng movie nila at alam niyang parehong panonoorin, iba pa rin kung magbibigayan sila sa takilya.

Anyway, gustung-gusto ni Anne ang karakter niyang si Elizabeth sa Viva Films movie na in-love na in-love sa karakter ni Luis. Good friends ang da­lawa, kaya wala nang ilangan at nagbibiruan pa in between takes na siyang gusto ni direk Wenn Deramas para magaan sa set.

Sa Pampanga pala magki-Christmas si Anne at ang sister niyang si Jasmine kasama ang ama nila, pero siyempre, may moments together sila ng BF niyang si Erwan Heussaff na ipinagmamalaki nitong magaling na chef at minsan ay ipinagluluto siya.

Itinanggi pala ni Anne na siya ang manager ni Jasmine dahil ang Viva ang tumutulong sa project at schedule ng kapatid. Leading lady ito ni JC de Vera sa Utol Kong Hoodlum, pero hanggang bakasyon lang sa school ito magsu-showbis dahil studies pa rin ang priority.

* * *

Masaya ang Pasko ni Daniel Matsunaga dahil ilang linggo rin niyang nakapiling ang mga magulang at ka­patid, may lovelife siya at pumasok sa Grazilda. Hanggang December 25 ang pamilya niya rito at sabay-sabay silang pupunta ng Hong Kong bago umuwi ang mga magulang sa Brazil.

Hindi sure si Daniel kung makakasama sa HK ang nobyang si Heart Evangelista dahil busy din ito, pero matutuwa siya kung kasama nila ito sa HK. Pinasasalamatan niya ang GF sa magandang pagtanggap sa kanyang pamilya at Christmas wish nitong maging “forever” na sila ng aktres dahil happy siya sa first Pinay GF.

Samantala, masaya ang mother ni Daniel dahil hindi mamamatay ang karakter niyang si Prince Kasmir sa Grazilda gaya nang nangyari sa mga nauna niyang soap. Napapanood ng mom niya sa Brazil ang soap niya at umiiyak ito ‘pag namamatay ang kanyang karakter at kailangan niyang tawagan sa Brazil na buhay siya at sa TV lang siya namatay.

Tanggap ni Daniel na hindi ang karakter niya at si Grazilda (Glaiza de Castro) ang magkakatuluyan.

Ayos na sa kanyang mapasama sa fantaserye.

* * *

Tuloy na ang pagbibida ni GMA Artist Center talent na si Louise delos Reyes at isa sa cast ng Reel Love Presents Tween Hearts dahil kahapon, ginanap ang storycon ng soap sa GMA 7 na kanyang pagbibidahan.

Pinamagatang Alakdana ang project ng bagets at si Paulo Avelino ang ibinigay ng Channel 7 na kanyang leading man. Inalis ang actor as the main contravida sa Captain Barbell  para ipareha kay Louise.

* * *

Parang malaking children’s party ang Cinema 9 at 10 ng SM Megamall sa rami ng batang nanood ng premiere night ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote at ang mga bagets talaga ang nauunang tumawa sa mga nakakaaliw na mga eksena ng pelikula.

Suportado si Sen. Bong Revilla ng kanyang pamilya sa pangunguna ng asawang si Congresswoman Lani Mercado, kanilang mga anak at pati mga kapatid sa pangunguna ni Andeng Bautista-Ynares.

Wala namang ka-date si Vic Sotto , pero masaya pa rin ito sa nakitang nagustuhan ng audience ang pelikula. Ang kaparehang si Gwen Zamora tuloy ang tumayo niyang ka-date sa gabi ng premiere night.

Aliw kami sa role ni Barbie Forteza as the spoiled Bratty, marunong umarte ang bagets and in fairness, ibang-iba sa acting niya sa Tween Hearts.

                                                                             

ANDENG BAUTISTA-YNARES

ANNE CURTIS

ARTIST CENTER

BARBIE FORTEZA

BONG REVILLA

GRAZILDA

NIYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with