^

PSN Showbiz

Piolo sinapawan na ni John Lloyd

- Veronica R. Samio -

Ang seryeng gagawin ni Jasmine Curtis para sa TV5, na kung saan ay makakapare­ha niya si JC de Vera, will be partly shot in Australia kung saan siya nakatira kasama ang kanyang ina at nag-aaral dun ng high school sa kasalukuyan. Ito ay para hindi makaapekto sa pag-aaral niya na bago niya tinanggap ang alok ng Kapatid Network ay sinabi muna niya na ang priority niya ay ang pag-aaral, pangalawa lamang ang kanyang pag-aartista. Papayagan lamang siya ng mga magulang niya na mag-showbiz kung hindi ito makakaabala sa kanyang studies.

Pagkatapos naman ng semester na ito ay dito na siya mag-aaral kaya hindi na siya gaanong mahihirapan. Sa nga­yon kinakailangang pumun­ta ng Australia si JC at ilang production people para masimulan na ang taping ng serye.

Sixteen years old lamang ang kapatid na ito ni Anne Curtis na pinagtatakhan ng marami kung bakit hindi nag-join sa kanyang ate sa Kapamilya Network.

“Mas maganda ang offer sa akin ng Kapatid. They are willing to work around my priorities na isa nga ang studies ko,” sabi ng magandang teener na katulad ni Anne ay matatas ding mag-Tagalog. Bago siya pumunta ng Australia to join her mom, she studied in St. Paul sa Pasig at palaging kasa-kasama ng kanyang kapatid sa mga pinupuntahan nito.

Kaya naitsika rin niya na isa sa mga crushes niya pala ay si Oyo Sotto na nakarelasyon ng ate niya at hanga siya sa ugali ng aktor dahil maalaga ito hindi lamang kay Anne kundi maging sa kanya rin.

Desisyon ni Jasmine na i-prioritize ang kanyang pag-aaral. “Iba na ang may pinag-aralan, maganda ang edukada,” dahilan niya.

Iisipin mo na hindi sila magiging magkaibigan ni Danita Paner dahil ang ka-loveteam nito ang unang ipapareha sa kanya pero sinabi niyang “We’re friends. Nag-usap na kami. Mabait siya and very welcoming.”

* * *

Hindi kaya nagwo-worry si Piolo Pascual na sinasabi ng marami na pinalitan na ni John Lloyd Cruz ang pagiging pangunahing posisyon niya bilang leading man ng ABS-CBN? Bukod sa kumikita lahat ng mga pro­yekto niya ay tinatanggap pa rin siya kahit sino ang ipareha sa kanya. Ma­tapos ang matagumpay na pagtatambal nila ni Bea Alonzo, tinanggap siya bilang kapareha ni Sarah Geronimo, Angel Locsin, at maging ni Toni Gonzaga.

Ang pagiging open ng relasyon nila ni Shaina Magdayao at ang naging kontrobersiya sa pagitan nila ni Ruffa Gutierrez ay hindi naging dahilan para bumaba ang popularidad niya. O makalimutan ng tao ang kagalingan niya bilang isang aktor.

Pero si JLC ang unang tatanggi na nasapawan na niya si Piolo bilang Kapamilya leading man. Wala sa bokabularyo niya ang manapaw ng kahit sino. Basta ginagawa lamang niya ang trabaho niya. Kung kaya niya ang proyekto, tinatanggap agad niya. Kung hindi, pinag-aaralan pa muna niya. Wala rin siyang karapatang mamili ng makakapareha niya o tumanggi sa isang ipinapareha sa kanya. So far, lahat ng nakakapareha niya ay kung hindi kaibigan ay kakilala niya. Konting bonding lang at okay na sila.

* * *

Bilang pasasalamat sa matagumpay nilang 10 taon sa negosyo at sa napakaraming tumatangkilik ng Aficionado, isang musical event ang inihahanda ni Joel Cruz sa Jan. 8 sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

Pinamagatang 1@11, tampok sa inaasahang magiging isang hindi makakalimutang show ang mga pinakabagong endorsers ng Aficionado Germany Perfumes at Joel Cruz Signatures — ang international singing sensation na si Charice at Gary Valenciano. Kasama pa si John Lloyd Cruz at iba pang endorsers ng Aficionado. Tampok din ang pinaka-top male and female model ng bansa suot ang mga Joel Cruz Signatures’ apparel collection.

Itatampok din ang bandang Kamikazee na tutugtog sa fashion show at sa concert mismo nina Charice at Gary V. na ang pinaka-finale ng show ay ang duet ng dalawa.99

vuukle comment

AFICIONADO GERMANY PERFUMES

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

BEA ALONZO

CHARICE

JOEL CRUZ SIGNATURES

JOHN LLOYD CRUZ

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with