^

PSN Showbiz

Kapamilya binawalang mag-cover sa kasal nina Regine at Ogie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ngayong Wednesday na ang Christian wedding nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez somewhere in Batangas. Uminit kaya lalo ang network war between ABS-CBN and GMA 7 sa ipinadalang sulat ng Kapuso Network sa Kapamilya Network na bawal silang mag-cover?

Exclusive ng Siete ang coverage ng Alcasid-Velasquez wedding at ipalalabas na isang special sa Dec. 26 pa at dapat hindi sila ma-preempt. Pero paano kung gumamit ng helicopter ang ABS-CBN at ibang ways para makunan ang wedding ceremony na hindi sakop sa pinirmahang kontrata sa Channel 7 ng mga ikinasal?

Samantala, nag-a-update si Ogie nang kaganapan sa kasal nila ni Regine sa Twitter at kahapon, ibi­nalitang nag-yatching sila. After the wedding, pu­pun­ta sila ni Regine kasama sina Michelle van Ei­mereen and husband Mark Murrow, mga anak nila ni Ogie at ibang family members sa Bohol at Boracay.

* * *

Hindi pala talaga concert ang 1@11 na pagsasamahan nina Gary Valenciano at Charice, kundi pagpapakilala sa kanila bilang new endorsers ng Aficionado Germany Perfumes and Joel Cruz Signatures. Makakasama ng dalawa sa show si John Lloyd Cruz at iba pang endorsers ng Aficionado at gaganapin sa SM MOA Concert Grounds sa Jan. 8.

Nilinaw ni Joel ang tungkol dito dahil may mga nag-akalang ipi-preempt nina Gary at Charice ang What Love Is concert nina Martin Nievera at Sarah Geronimo. In fact, musical event ang description ni Joel sa 1@11 at hindi concert.

Hopefully, sa next presscon, present na sina Gary at Charice dahil maraming gustong itanong ang press lalo na sa huli tungkol sa nabulilyaso niyang Christmas Special sa GMA 7.

* * *

Gugulatin ni Isabel Oli ang mga manonood ng Rosario dahil iba ang role niya rito sa mga ginawa na niya sa pelikula at telebisyon. Tama ang description nito sa role niyang “Mabait pero may bangis” dahil bago mag-ending ang movie, magpapakita siya ng tapang.

Pumayag din si Isabel na gawin ang first ever love scene niya sa movie with Dennis Trillo na may kasama pang halinghing at pagpapakita ng likod. Mai­ngay ang nasabing eksena at malalaman n’yo kung bakit namin ito nasabi ’pag pinanood n’yo ang movie.

Naikuwento ni Direk Albert Martinez na ayaw gawin ni Isabel ang eksena dahil nahihiya siya at ’di sanay. Ang sabi lang sa kanya ni Albert, “I need the shot” and after five minutes, lumapit ang aktres para sabihing gagawin niya ang eksena at magandang lumabas.

* * *

Narinig namin nang purihin ni Sen. Bong Revilla, Jr. si Gwen Zamora, leading lady ni Vic Sotto sa Si Agimat at si Enteng Kabisote na ang ganda-ganda raw nang magbeso sa kanya ang dalaga sa isa sa mga presscons ng movie na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

In fairness, pinuri rin ni Bong ang kapareha niyang si Sam Pinto na sobrang ganda rin daw, exotic ang ganda at parang hindi Filipina. Kagabi pa lang namin na­panood ang movie, kaya ’di pa namin alam kung mahahalikan ni Bong si Sam.

Buwelta naman nina Gwen at Sam, masuwerte silang mapasama sa peliku­lang tinitiyak na magna-No. 1 at pareho pang mababait ang leading men. Ka­sama rin sa cast sina Bea Binene at Jake Vargas, pero hindi nagparamdam sa presscon ang mga bagets. Hindi invited?

vuukle comment

AFICIONADO GERMANY PERFUMES AND JOEL CRUZ SIGNATURES

ALBERT MARTINEZ

BEA BINENE

BONG REVILLA

CHARICE

CHRISTMAS SPECIAL

CONCERT GROUNDS

DENNIS TRILLO

ENTENG KABISOTE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with