^

PSN Showbiz

Nag-emote rin sa pang-iiwan TV sa dressing room ni Ruffa, ibinigay kay Shalani

- Veronica R. Samio -

Hindi man siya nagagalit o baka magaling lang siyang magtago ng kanyang feelings, nabanggit ni Ruffa Gutierrez sa ilang mga movie writers na maagang dumating sa set ng Paparazzi nung Linggo ng umaga na wala na siyang TV set sa kanyang dressing room. May kumuha raw nito at inilagay sa bagong dressing room ni Shalani Soledad. Dati rin daw ay magkasama sila ng dressing room ng bagong co-host ng Willing Willie pero ngayon, iniwan na siya nitong mag-isa. Lumipat na raw ito sa bago niyang dressing room na katabi lamang ng dressing room ni Willie Revillame. Hindi naman itinago ni Ruffa ang kanyang nararamdaman. Sa pag-ere ng Paparazzi nung Linggo rin ay hiniling niya sa host ng Willing Willie na kung maari naman ay isoli sa kanyang dressing room ang TV set para naman mayroon siyang mapanooran.

Hindi naman siguro nagagalit si Ruffa sa bagong co-host ng early afternoon program ng TV5. Nagtataka lang siya kung bakit iniwan siya nitong mag-isa sa kanilang dressing room at lumipat sa katabing dressing room ni Willie.

“Bakit, sila na ba?” tanong niya.

* * *

Si Jodi Santamaria pala at ang asawa niya ang pinatutungkulan ng mara­ming naglalabasang blind items na mag-asawang nauwi rin ang pagsasama sa hiwalayan. Hindi lamang ito makukumpirma hangga’t hindi pa tapos ang kontrata ng mga product endorsement ng aktres.

Hindi rin maganda ang sinasabing dahilan ng gulo nilang mag-asawa pero, every­one is hoping na hindi nga ito totoo at haka-haka lamang ang mga naglalabasang balita at sana magawan ng da­lawa ng paraan para mapigil ang pagtuluy-tuloy ng hindi magandang kaganapan sa kanilang marriage.

* * *

Parang lahat ay naniniwala na makukuha ni Jennylyn Mercado ang pagka-best actress sa darating na MMFF awards night. Ayaw namang umasa ng Kapuso actress at sa halip, umaasam siya ng ma­lakas na suporta sa takilya para sa kanyang pelikulang Rosario mula sa mga manonood.

“Limang taong pinaghandaan ni Direk Albert (Mar­tinez) ang pelikula kaya maganda ito. Sa­lamat na lamang sa maraming nakaka-appreciate ng movie kahit trailer pa lamang ang nakikita rito. Sana, maka-inspire pa ang Rosario ng maraming producers para makagawa ng mga ganitong uri ng pelikula. At sana maging successful ito sa awards at sa box-office.

“Wala akong choice kundi galingan din dito ang acting ko. With actors like Dennis Trillo, Yul Servo, and Sid Lucero, nakakahiya naman kung magpapa­iwan ako sa kanila. Kailangang sabayan ko ang galing nila,” sabi ng magandang star ng pelikula.

Happy naman si Albert sa napaka-gandang pagtanggap ng tao sa Rosario.

“Directing is challenging, mas mahirap pero kapag nakakita uli ako ng ganitong material at project, magdi-direct uli ako. Masaya rin ako dahil napaka-ganda ng pagtanggap ng mga manonood sa You Tube sa aming trailer,” sabi niya.

* * *

Totoo kayang magiging lubhang napa­kahigpit ng gagawing pagbabantay sa kasal nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez? Walang makakapasok sa venue (Punta Fuego) na may dalang camera o cell phone. Baka natatakot silang ma-pirate ang coverage ng wedding na eksklusibong mapapanood sa GMA 7.

Hindi puti kundi isang pulang wedding gown na likha ni Monique Lhuillier ang isusuot ni Regine. Magsisilbing maid of honor ang panganay ni Ogie kay Michelle van Eimereen.

* * *

Magkasama palang ipagdiriwang nina Mo Twister at Rhian Ramos ang Pasko. Pero hindi dito magaganap ang kanilang selebrasyon kundi sa Bangkok. Mauunang pumunta dun ang aktres at susundan na lamang siya ni Mo.

Sa kabila ng kanilang closeness, sinabi ni Mo na wala pa silang unawaan ng Kapuso actress. Hanggang ngayon nanliligaw pa rin siya rito. At hindi rin silang dalawa lamang ang magdiriwang ng Pasko, may mga kasama si Rhian na susundan lamang niya para sila magkasama sa mahalagang araw na ito.

DENNIS TRILLO

DIREK ALBERT

DRESSING

JENNYLYN MERCADO

LAMANG

ROOM

SHY

WILLING WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with