^

PSN Showbiz

Captain Barbell mapapanood sa 3D

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tama ba ang nabalitaan naming ang pilot ng Captain Barbell ni Richard Gutierrez ay mapapanood sa 3D? Kung totoo ito, aba’y ang suwerte ng actor at sa show niya mangyayari ang masasabing first time on national TV. Sana lang, hindi magbago ng isip ang GMA 7 at ituloy ang plano.

Samantala, isa si Richard sa host ng Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival sa December 26, sa Meralco Theater. Makakasama niya ang mga kapatid na sina Ruffa at Raymond Gutierrez at dahil nagho-host na, tiyak na hindi siya magpapatalo sa mga kapatid.

Ibinalita pala ni Annabelle Rama na kahapon ang first taping day ni Richard ng Captain Barbell at ngayong araw naman ang first shooting day niya ng episode nila ni Eugene Domingo sa Suddenly It’s Magic, ang trilogy Valentine movie ng actor.

* * *

Ang husay-husay ni Sid Lucero sa Rosario, lalo na sa eksena nila ni Ricky Davao towards the ending at hindi kami magugulat kung manalo siyang best supporting actor sa galing niya. Curious tuloy kami kung break na sina Sid at non-showbiz GF niya nang kinunan ni direk Albert Martinez ang eksenang ‘yun, kaya nagawa niya ng buong husay ang eksena.

Sa presscon ng Rosario, nabanggit ni Sid na kahit nagbibida na, hindi isyu sa kanya ang tumanggap ng second lead o supporting role basta maganda ang project.

Kaya pala madali nitong tinanggap ang bagong project ni direk Dante Mendoza na Prey, kahit kapalit siya ni Coco Martin. Sa January 2011 ang start ng shooting kung saan, gaganap siyang Abu Sayaff member at isang French actress ang makakasama.

Kasama rin si Sid sa Shake, Rattle & Roll XII, kaya ang plano nito sa Parade of Stars, sa float muna ng Rosario sasakay at lilipat sa float ng SR&R XII.

* * *

Nakita namin ang magka-loveteam na Barbie Forteza at Joshua Dionisio sa presscon ng Si Agimat at si Enteng kung saan kasama sila ni Vic Sotto. Nakatrabaho na ni Barbie si Vic sa My Darling Kong Aswang, kaya hindi na siya nahihiya sa TV host-actor-producer.

Si Joshua ang ninerbiyos at sobrang excited lalo’t sidekick ni Vic ang role niya at madalas magkasama sila sa frame. Nanghinayang pa si Joshua dahil may mga eksena sila ni Vic na na-edit out.

Inalam namin kina Barbie at Joshua ang nabanggit ni direk Gina Alajar, director nila sa Tween Hearts na ayaw nilang umalis sa kanilang comfort zone, kaya minsan nahihirapan siya.

“Baka sa first few episodes ‘yun, medyo nailang pa kami ni Barbie. Ang hirap mag-adjust sa new character at iniisip namin na baka OA ang atake namin sa role. Pero okay na kami kay direk Gina ngayon, lagi ngang masaya sa set,” sagot ni Joshua.

* * *

Dahil matagal nang walang project sa GMA 7, ipina-release ni Popoy Caritativo ang talent niyang si Mart Escudero sa kontrata nito sa GMA Artist Center. Akala namin, ibabalik ni Po­poy sa ABS-CBN si Mart dahil ‘dun ito nagsimula, pero sa TV5 pala niya dinala ang young actor.

Ang sabi, kasama si Mart sa cast ng Babaing Hampaslupa, hindi lang kami sure kung siya ang makakapareha ni Alex Gonzaga dahil nauna nang nabalitang si Alwyn Uytingco ang love interest ni Alex.

Isa pang ipapasok daw sa Babaing Hampaslupa ay si Carlo Aquino na matagal na ring hindi napapanood ng regular sa TV. Viva talent na si Carlo, magaling siyang actor at tama lang na mapasama siya sa teleserye na sabi’y si Eric Quizon na ang director.

ABU SAYAFF

ALBERT MARTINEZ

ALEX GONZAGA

ALWYN UYTINGCO

ANNABELLE RAMA

BABAING HAMPASLUPA

BARBIE

CAPTAIN BARBELL

NIYA

SID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with