^

PSN Showbiz

Kim at Enchong nagpasaya ng fans

-

MANILA, Philippines –  Muli na namang umapaw ang refreshing happiness at magic nang ilunsad ng Coca-Cola, ang nag-iisang partner natin sa pag-open sa totoong diwa ng Kapaskuhan, ang pinakaaabangang Coca-Cola Christmas Caravan at Araneta Center Giant Tree Lighting noong Nov. 12 sa Araneta Co­liseum parking lot. Buong-puso nitong ipinagpatuloy ang tradis­yong pagsama-samahin ang lahat upang buksan ang isang maligayang holiday season.

Nagsimula ang kasiyahan sa isang magarbong parada na dinaluhan ng dalawa sa mga pina­kasikat na young stars ngayon, Coca-Cola am­bassadors na sina Kim Chiu at Enchong Dee kasama sina Empress Schuck, Joseph Marco, Matt Evans, ang mga Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 housemates Ivan Dorschner, James Reid, Ryan Bang, Bret Jackson, Tricia Santos, Jenny Sol, Devon Seron at Fretzie Bercede, at Starstruck idols Kris Bernal, Steven Silva, Rocco Nacino, Enzo Pineda, at Diva Montelaba na kasamang umikot, nakikanta, at nakisaya sa Philippine Navy Band sa paligid ng Araneta Center.

Sinundan ito ng pagbubukas ng mga games at photo booths na ta­nging inihanda ng Coca-Cola sa pa­ngunguna ng energetic duo mula sa Love Radio na sina Nicole Hyala and Chris Tsuper.

Ang Araneta Center Christmas tree na halos 100 ft. ang taas ay pinapalamutian ng higit sa 10, 000 na ilaw at ilang daang bituin at Coca-Cola Christmas balls, at mayroong malalaking ribbons at makukulay na gift boxes bilang mga accents. Mula pa man noon, ito ay isang natatanging simbulo ng pag-asa para sa mga Pinoy, isang minamahal na icon na opisyal na nagpapasimula sa isang masaya at magical na holidays!

“Sobrang happy kami ni Kim na bahagi kami ng celebration na ito para buksan ang happiness at ang inaabangan nating lahat na Christmas season! At ito ang nais ipaalala sa atin ng Coke — na lagi natin itong kasama ’di lamang upang pasarapin ang anumang kainan ngunit para magbigay ngiti at ligayang nakagiginhawa sa ating mga buhay,” sabi ni Enchong.

Kasabay ding inilusad ang Coca-Cola Contour Glass promo. “Ang Coca-Cola contour glass ang kukumpleto sa noche buena bonding with the family nga­yong Pasko. Available ito sa limang kulay — pula, dilaw, violet, at green — at ang isang bagong dagdag sa koleksiyon nating lahat, ang aquamarine contour glass. Sama-sama nating gawing mas colorful ang Pasko kasama ang Coke at ang mga contour glasses,” sabi naman ni Kim.

Napakadaling maiuwi ang limang Coca-Cola Christmas Contour Glasses. Magmadali at mag-redeem hanggang Dec. 31.

ANG ARANETA CENTER CHRISTMAS

ANG COCA-COLA

ARANETA CENTER

ARANETA CENTER GIANT TREE LIGHTING

ARANETA CO

BRET JACKSON

COCA

COCA-COLA

COCA-COLA CHRISTMAS

COLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with