^

PSN Showbiz

Angel, magbibigay ng X-mas party sa fans

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Mahal na mahal si Angel Locsin ng kanyang loyal fans. Kaya naman kasa-kasama niya ito hanggang sa kanyang mga ginagawa lalo na sa pagtulong sa mga kapuspalad.

Marunong magpahalaga sa kanyang mga fans ang magandang aktres kaya naman bibigyan niya ng Christmas party ang mga ito sa December 23 sa Fuel Up Karaoke and Resto Bar na pag-aari ni Angel. 

* * *

Anak ang turing ni Wilson Tieng sa pamang­king si Congressman Irwin Tieng na isa nang ma­tagumpay na mambabatas. Palibhasa mahal ni Wil­son ang movie industry bilang prodyuser kaya natutuwa ito dahil kasangga ang anak-anakang si Irwin para masugpo ang film piracy na siyang pumapatay sa pelikulang Tagalog.

May Pamaskong regalo na naman si Con­gress­man Irwin ng Buhay Partylist sa showbiz - ipinakita na naman niya ang pagmamalasakit sa local concert producers kung saan bumaba na ngayon ang babayaran nilang tax dahil sa ipinasa niyang bill. Sa ganitong paraan, mas maraming talento ang aktibo ulit sa pelikula at entablado.

* * *

Gandang-ganda kami kay Marian Rivera nang magbigay ito ng Christmas Party sa entertainment press noong Miyerkules.

Excited na ito sa Parade of the Stars ng MMFF dahil isa sa pambatong float ang Super Inday and the Golden Bibe.

Inamin nito na kung ang ibang aktres ay miyembro ng Samahan ng Malamig ang Pasko, kumukulo naman ang kanyang Kapaskuhan dahil walang pagbabago sa kanilang pagmamahalan ni Dingdong Dantes at sa pagdaan ng mga araw ay lalong tumitibay ang kanilang relasyon.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BUHAY PARTYLIST

CHRISTMAS PARTY

CONGRESSMAN IRWIN TIENG

DINGDONG DANTES

FUEL UP KARAOKE AND RESTO BAR

IRWIN

MARIAN RIVERA

MAY PAMASKONG

PARADE OF THE STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with