Aljur talbog na si Mark
MANILA, Philippines - Ang Kapuso hunk actor na si Aljur Abrenica ang napiling gumanap na bida sa GMA 7 remake ng Machete na nakatakdang ipalabas sa unang bahagi ng 2011.
Kung sabagay, bagay na bagay kay Aljur ang papel ni Machete dahil bukod sa kanyang matikas na tindig at magandang pangangatawan, mahusay rin itong umarte.
Mismong si ‘Nay Lolit Solis ang nag-comment na natalbugan na ni Aljur ang alaga niyang pasaway ngayon na si Mark Herras samantalang nang una raw niya itong makita ay marami pang mga pimples na parang napaisip pa siya kung sisikat nga ito. “Na-develop siya. Tingnan mo ngayon, naunahan na niya si Mark,” sabi ni ‘Nay Lolit na siguradong nasabi lang niya dahil sa inis kay Mark na balitang naimpluwensiyahan lang ni Nadia Montenegro.
Anyway, going back to Machete. Maging si Cesar Montano na unang gumanap sa role ni Machete ay agree sa naging desisyon ng GMA 7 na ipagkatiwala kay Aljur ang papel ni Machete na una niyang nakasama sa programang Ilumina.
Sa bersyong ito, si Machete ay isang Ifugao warrior na naging puno matapos mapatay sa digmaan. Matapos ang ilang dekada, ang punong ito ay iguguhit ng isang magandang sketcher na siya namang ibebenta sa isang skulptor. Parehong iibig ang dalawa sa istatwa na siyang magiging sentro ng kuwento ng buhay ni Machete.
Sina Ryza Cenon at Bela Padilla ang napiling gumanap para sa papel ng dalawang babaeng mag-aagawan sa puso ni Machete.
Bubuhayin dito ang sikat na komiks ni Pablo S. Gomez na isinapelikula naman ng Seiko Films noong 1990.
Ang national artist at tinaguriang Father of Philippine Modern Sculpture na si Napoleon Abueva at ang anak nitong si Lawin, ang nilapitan ng GMA 7 upang maglililok sa pigura ni Machete.
Abala ngayon si Aljur sa pagwu-Wushu at pagi-gym para paghandaan ang kanyang role.
- Latest