Katrina ginawang prosti
May isang bagong produkto na naman ang lumabas sa mercado na magbibigay ng malaking pag-asa sa mga taong may karamdaman. Hindi ito isang uri ng gamot kundi isang Quantum pendant na may kakayahang magpagaling ng kahit anong uri ng sakit sa magsususot nito.
Sa kabuuan, ang pendant na ito (pansabit sa kuwintas) produces overall health.
Medyo may kamahalan ang halaga ng Quantum pendant pero kung iisipin naman ang maraming kabutihan na maibibigay nito sa magsusuot nito, hindi na ito mahal.
At kung gusto n’yong magbakasakali at makakuha nito ng libre, ang Beau Visage Modeling Agency katulong ang Fusion Excel International ay magdaraos ng isang maituturing na pinaka-malaking fashion show na mapapanood sa December 21, 7:00 ng gabi sa PICC.
Pinamagatang Fashion and Fusion 2010, lalahukan ang malaking event na ito ng mga local, interational class A Europeans, Latinas and Asian models at mga kilalang personalidad ng bansa tulad nina Love Thadani, Andrew Wolfe, Will Devoughn, Daniel Matsunaga, KC Thadani, Danielle Castano, Guji Lorenzana, at mga kilalang artista sa telebisyon at pelikula. Layunin ng event na makalikom ng pondo para sa The Heart Foundation, OFW Family Club at Hope For Children Foundation.
Para sa karagdagang detalye maaring tunawag sa 569-73-61, 846-87-78, 0915-615-22-96 o kaya mag-e-mail sa [email protected].
* * *
Hindi lamang naman si Katrina Halili ang sa palagay ko ay na-disappoint, nagdaramdam, nagagalit kundi ang maraming sumusubaybay sa kanyang naging kaso kay Hayden Kho na ibasura ng Pasig RTC dahil daw sa kakulangan ng ebidensiya?!
Galit din si Sen. Bong Revilla na nagpasimuno pa ng isang Senate inquiry sa naging pangyayari.
Ang ipinagtataka pa ng maraming sumusubaybay sa kaso, kasama na ako, ay kung bakit biglang sinabi ng korte na alam ni Katrina na kinukunan sila ng video habang nagpapakaligaya, na hindi kapani-paniwala dahil walang babae na papayag sa ganitong sistema! Kahit isa pa siyang prostitute! Pero ang pinaka-nakakalungkot sa pangyayari ay ang salitang ginamit ng isa sa kapatid sa hanapbuhay na vindicated daw ang doctor sa mga naging pangyayari.
* * *
Isang heartwarming drama ang mapapanood ngayong gabi sa longest running and most awarded anthology ng bansa : Maalaala Mo Kaya. At ang isa sa pinakasumikat na young stars ngayong taon ang magbibida : si Enchong Dee.
Sa direksiyon ni Dado Lumibao, gagampanan ni Enchong ang papel ni Toto, isang bulag na lalaki na nilalabanan ang mga pagsubok na ibinibigay ng tadhana. Kasama ng kanyang ina (na gagampanan ni Helen Gamboa), magkasabay nilang susuungin ang mga suliranin ng buhay!
- Latest