^

PSN Showbiz

Young actress mas magaling na suporta kesa bida

-

MANILA, Philippines - Mas magaling sa supporting role ang isang batang aktres kesa maging bida.

Dalawang pelikula niya ang magkasunod kong napanood this week.

Sa unang pelikula, ang laki ng role niya as in siya ang bida. Pero sadly, super effort sa character na ginagampanan niya. Parang hilaw pa siyang magbida.

Literal na nilamon siya ng ka-partner na kilalang magaling na aktor.

Isang factor siguro kaya hindi siya bumagay ay dahil masyado pa siyang bata para sa role.

Sayang. May ibubuga naman siya sa aktingan pero parang namimili ng role ang hitsura ng baguhang aktres na ito.

Pero kahit ganun, nadala naman ng kuwento ang character niya kaya lumabas pa ring maganda ang pelikulang pinagbibidahan ng batang aktres.

Anyway, nang mapanood ko siya sa isa pang pelikulang kasali na hindi na siya bida, magaling na siya.

Walang effort ang portrayal na cousin ng bida sa pelikula.

Malayo ang mararating niya, ‘yun nga lang parang mas sisikat siya sa supporting role.

* * *

Wish ko lang na hindi ko mapanaginipan ang Dalaw, ang filmfest entry ni Kris Aquino na Gra­ded B ng Cinema Evaluation Board (CEB).

In fairness, nakakatakot ang pelikula. Malakas ang sindak factor.

True, magaling nga si Gina Pareño sa pelikula bilang si Manang Olga na nakakakita ng multo. Malaki ang kontribusyon niya para mas lalong maging nakakatakot ang Dalaw.

Siguradong papatok ito sa mga gustong matakot nga­yong Pasko.

* * *

At least may delicadeza ang ABS-CBN.

Hinihiling nila sa isang Court of Appeals justice na i-inhibit ang kanyang sarili sa pagdinig ng isang petisyon na inihain ng TV5 hinggil sa kasong copyright infringement laban sa nasabing himpilan at sa host nitong si Willie Revillame.

Ika-anim ng Disyembre, hiniling ng TV5 sa appellate court na maglabas ng temporary restraining order na hahadlang kay Makati Regional Trial Court Branch 66 Presiding Judge Joselito Villarosa sa pagdinig ng kaso dahil sa umano’y pagkiling nito sa ABS-CBN.

Kahapon, naghain ang mga abogado ng ABS-CBN ng isang “urgent motion” na humihiling kay Court of Appeals Justice Franchito Diamante na i-inhibit ang kanyang sarili sa pagdinig sa kaso dahil kamag-anak niya ang isa sa mga associates ng law firm na kumakatawan sa Kapamilya Network.

Sinabi ng ABS-CBN na “mandatorily required” na iinhibit ni Justice Diamante ang kanyang sarili sa pagdinig ng kaso sapagkat kamag-anak niya si Atty. Cecilia Natividad, isa sa mga abogado sa Villaraza, Cruz, Marcelo and Angangco.

CECILIA NATIVIDAD

CINEMA EVALUATION BOARD

COURT OF APPEALS

COURT OF APPEALS JUSTICE

DALAW

FRANCHITO DIAMANTE

GINA PARE

JOSELITO VILLAROSA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with