^

PSN Showbiz

Kris dalawang oras inimbestigahan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Noong Huwebes ay pumunta si Kris Aquino sa Makati Regional Trial Court matapos siyang ipatawag ng korte para sa isang collusion investigation.

Ipinaliwanag ng assistant city prosecutor na si Atty. Christopher Garvida kung ano ang kahalagahan ng prosesong ito. “Pinapadala ang kaso for Collusion investigation kapag una, ‘di contested ang kaso. Pangalawa, kapag contested pero walang issue. I mean in-admit ng kabilang partido lahat ng sinasabi ng petitioner. Therefore walang issue ‘di ba, parang nag-a-agree sila so we have to conduct a collusion investigation. To make sure na totoo ang arguments ng parties na humingi ng annulment, hindi ‘yung gumagawa,” paglilinaw ni Atty. Gardiva.

Inabot ng halos dalawang oras ang nasabing imbestigasyon. “If there is a Collusion investigation, and it’s part of state’s duty to really investigate and protect the sanctity of the family and to see kung puwede pa bang maayos o kung may magagawang paraan, siguro ako na ang pinaka-unang magko-comply at sasagot ng katanungan niya. He asked me a lot and I answered a lot,” pahayag naman ni Kris.

Ayon pa kay Atty. Gardiva ay hindi naman daw nakaka-apekto sa imbestigasyon ang pagiging open nina Kris at James sa publiko na civil ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa. “It’s not like we’re bestfriends but you know we are friends primarily because we’re co-parents. More than anything siguro ang duty namin na maging okay kami for the sake of our son. It’s good timing for both of us, mas mapayapa ang magiging Pasko namin,” dagdag pa ni Kris.

SID hindi na kinaya ng GF

Sa kauna-unahang pagkakataon ay umamin si Sid Lucero sa SNN (Showbiz News Ngayon) na nagkahiwalay na pala sila ng kanyang non-showbiz girlfriend for seven years. “For the past seven years, I’ve been in the industry. I’ve never talked about my lovelife, it came to a point where we both figured out to find ourselves individual once again. Siya nagsabi sa akin, maybe I forgot the importance of our relationship. Siya ang nakipag-break sa akin. There are some things about me, my job that she will never understand, for the past seven years she was trying very hard, umabot na siguro sa point na hindi na niya kaya,” seryosong pagtatapat ni Sid.

Tatlong buwan nang magkahiwalay sina Sid at ang kanyang non-showbiz girlfriend. Noong mga panahon na kahihiwalay lang nila ay masyado raw naapektuhan si Sid pati na ang kanyang trabaho. “I took the separation very very hard. Naapektuhan ang trabaho ko kasi siyempre iyak ka nang iyak, tapos pagdating sa trabaho, kailangang umiyak tapos ay wala ka nang maibigay,” dagdag pa ni Sid. Ngayon daw ay masaya ang aktor dahil nanatili silang magkaibigan ng kanyang ex-girlfriend kaya hindi nasira ang pinagsamahan nila sa loob ng pitong taon. -Reports from James C. Cantos

vuukle comment

CHRISTOPHER GARVIDA

GARDIVA

JAMES C

KRIS AQUINO

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

NOONG HUWEBES

SHOWBIZ NEWS NGAYON

SID

SID LUCERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with