^

PSN Showbiz

Bayan Mo iPatrol Mo may kakaibang kampanya sa Pasko

-

MANILA, Philippines –  Ang pagtulong at pagpapasaya sa kapwa nga­­­yong Kapaskuhan ay hindi lamang sa pamamagitan ng pera, mga lumang damit, o kagamitan. Maaari rin itong gawin sa pamamagitan ng pagla­laan ng inyong oras, talento, o lakas basta ba bukal ito sa kalooban.

Ibahagi na ang tunay na diwa ng Pasko at ipag­patuloy ang pagsagot sa tawag ng pagbabago sa inyong sariling pamamaraan sa naiibang kampanya ng ABS-CBN News and Current Affairs’ Bayan Mo iPatrol Mo ngayong Disyembre, ang Pasko ng Pagbabago.

Hinihimok nito ang mga aktibong bayan patroller na magpakita ng malasakit sa ibang tao, gru­po ng tao, o maging isang komunidad tulad ng boluntar­yong pagsisilbi bilang mga tagapag-pa­saya ng mga ulilang matatanda o bata, pamamahagi ng pagkain o laruan, paglilinis ng estero at kanal, pagtatanim ng puno, pagtuturo sa mga batang lansangan, at iba pang puwedeng magawa na magbibigay pag-asa sa kapwa.

Ipagbigay alam lamang ang inyong good deed sa BMPM sa pamamagitan ng pagpapadala ng e-mail sa [email protected] o pagte-text ng IREPORT<space>pangalan<space>address<­space>kasarian<space>ang inyong mensahe sa 2366.

Ang aktibidad na mapipili ay may pagkakataong maipalabas sa Umagang Kay Ganda at TV Patrol ng ABS-CBN at sa ANC kasama ang ilang ABS-CBN anchors.

Siguraduhin lamang kumpleto ang detalye ng inyong suhestiyon tulad ng ilan kayong kasali sa ak­tibidad, saan at kailan ito mangyayari, at ano ang positibong epekto nito sa komunidad na inyong pagsisilbihan.

Para sa karagdagang impormasyon pumunta lamang sa http://bmpm.abs-cbnnews.com

ABS

BAYAN MO

DISYEMBRE

HINIHIMOK

IBAHAGI

INYONG

NEWS AND CURRENT AFFAIRS

PASKO

SHY

UMAGANG KAY GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with