^

PSN Showbiz

Jake nasasarapan pag tinitingnan ang mukha ni Marian

- Veronica R. Samio -

Talagang hindi na itinatago ni Jake Cuenca ang relasyon nila ni Melissa Ricks. Nang tanungin ito sa presscon ng kanyang Pamaskong pelikula, ang Super Inday and the Golden Bibe, kung sino ang makakasama niya ngayong Pasko, agad niyang sinabi ang pangalan nito.

“For the past two years ay malungkot ang naging Pasko ko, hindi na ngayon. Meron na akong inspiras­yon na talagang nagbibigay kulay hindi la­mang sa a­king buhay kundi maging sa aking trabaho. Ganado talaga akong magtrabaho. I always look forward to finishing my work early and being with her. We’ve been dating exclusively for some time now,” pag-amin niya.

Sa kabila ng pagiging masaya ng kanyang love­life, hindi nahihiyang aminin ng Kapamilya actor na naakit siya ng husto sa kasamahan niya sa pelikula na si Marian Rivera.

“Siya ang unang-una kong mami-miss ngayong tapos na kami ng shooting. Ang galing niya, bukod sa maganda siya, masarap tingnan ang kanyang mukha, nakakaakit talaga, pero wala siyang arte sa katawan, sobrang bait niya. Siya ang nagsilbing link para maging close kaming lahat. May ilang factor nga nung una dahil Kapamilya ako, kami ni Pokwang, siya ang gumawa ng move para maging close siya sa amin, tapos inilapit niya kami sa lahat ng aming mga kasamahan sa pelikula. Siya, siya talaga ang dahilan kung bakit naging masaya ang paggawa namin ng movie.

“Talagang itsi-cherish ko ang mga araw na nag­ka­­sama kami sa movie. Kahit sa panaginip man la­mang muling magbalik ang masayang araw namin ­habang ginagawa ang movie. Fresh na fresh ang dating niya kahit ngarag kami sa shooting.

“Madugo ang mga fight scenes ko sa film. Med­yo hapit pa ang costume ko, masikip sa lahat ng area. Hindi naman puwedeng luwagan, hindi na magiging ma­ganda. It helped a lot na bago ang movie ay nasa­bak na ako sa action sa TV. I requested for the stuntmen na nakasama ko sa Agi­mat. Naging madali ang trabaho namin, alam na kasi namin ang routine,” sabi niya sa maraming press na medyo natagalang hintayin siya sa solo presscon na ibinigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde para sa Super Inday and the Golden Bibe.

Ikinuwento ng isa sa mga nasa presscon na dinaanan pa muna niya sa casa ang kanyang brand new car na gamit niya sa kauna-unahang pagkakataon papuntang presscon. Tinukso tuloy siya ng lahat at sinabing marami na siyang pera at sinabing kotse rin ang hinihingi sa kanyang Pamasko ng Regal producer.

“Mother, kapag may pera na ako, bibigyan din kita ng kotse. Hindi pa ngayon dahil kasya lang pang-down payment ang pera ko. Pero ibibili kita ng isang magandang Christmas gift. Alam ko na kung ano ang gusto mo at ito ang ibibigay ko sa iyo,” panga­ko niya sa matriarka ng Regal.

Masuwerte si Mother Lily, nakuha ang serbisyo niya.

Hindi naman maitatangging napakaabala nitong artista. Kasabay ng movie ay may natapos siyang indie film. Ngayong tapos na siya ng Super Inday, ha­harapin naman niya ang Green Rose, isang serye ng ABS-CBN kung saan ay kasama niya sina Angelica Panganiban at Jericho Rosales. May bago rin siyang soap na gagawin.

Sa rami ng magagandang pelikula na makakalaban ng Super Inday sa MMFF, payag ba siyang mag-No. 4 lang ang movie nila?

“Mangangarap lang kami, might as well dream big. We did Super Inday and the Golden Bibe na ang nasa isip namin ay magna-No. 1 kami. We won’t settle for less,” may pagkapositibo niyang sabi. At pina­lakpakan siya ni Mother Lily.

*    *    *

Masaya naman ang pa-Christmas ng Star Magic sa press. Pero dahil siguro ngarag ang press sa rami ng kasabay na party na ipinag-imbita ng PR officer ng Star Magic nung Miyerkules na si Tess Gubi kung kaya hindi makapag-concentrate ang press at hindi 100% na ma-enjoy ang kanilang effort na bigyan ang lahat ng isang masayang Christmas party. Hindi rin nakatulong ang hindi masayang paghu-host ng ilang Star Magic artists na dapat sana ang kinuha ay ‘yung medyo sanay na at kayang gawing masaya at exciting ang mga kaganapan.

Medyo nabuhay lamang ang lahat nang ru­mam­­pa na ang ilang mga press na dumating su­ot ang mga costume nilang inspired by the characters sa mga teleserye ng kumpanya. May naka-Gelai, Vic­to­­ria, at Vera ng Magkaribal. May na­ka-Palos at kung sinu-sino pang characters na naging memora­ble sa mga manonood ng TV. Ba­gaman at iisa lamang ang nanalo lahat ng sumali were awarded cash prizes for their effort.

vuukle comment

MOTHER LILY

NIYA

SHY

SIYA

STAR MAGIC

SUPER INDAY

SUPER INDAY AND THE GOLDEN BIBE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with