^

PSN Showbiz

Kaso ni Katrina laban kay Hayden, ibinasura

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Na-dismiss ang kasong Rep. Act 9262 na isinampa ni Katrina Halili laban kay Dr. Hayden Kho, Jr. na ikinabigla ng dalawang kampo.

Binasa ang desisyon ni Judge Rodolfo Bonifacio ng Pasig-RTC kahapon ng hapon na ikinabigla ni Hayden at ng mga abogado nito lalo na si Katrina.

Tinanggap ng korte ang Demurrer to Evidence na isi­numite ng abogado ni Hayden kaya automatically, nabasura ang kaso.

Matigas ang mga pahayag ni Katrina na ipag­lala­­ban pa rin niya ang kasong ito at hindi siya titigil hang­ga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang ginawa sa kanya ng ex-boyfriend pati na rin sa ibang babaeng nadamay sa sex video.

Humingi naman ng paumanhin si Hayden kay Ka­trina sa lahat na mga nangyari. Sana ay makapag-usap daw sila na silang dalawa lang para matapos na ang gulong ito.

TANONG : Bukod kay Sarah Geronimo, may galit din si Cristine Reyes sa ilang mga kaibigan niyang dating ka-miyembro ng Ampalaya Anonymous?

Nagtaka si Maxene Magalona bakit sinabi ni Cristine na hindi sila okay gayung wala naman itong sinasabi sa kanila.

Matagal na silang walang komunikasyon pero ang pagkakaalam ni Maxene, wala silang pinag-awayan. Kung ang ikinasama ng loob ni Cristine ay dahil parang iniwan siya sa ere nina Maxene nung na­­kaaway nito si Pauleen Luna, hindi niya dapat isipin ’yun dahil apektado naman silang lahat sa gulong ’yun ng Ampalaya Anonymous.

Ang lumalabas tuloy ngayon, ang da­mi nang na­­ka­kaaway ni Cristine dahil lang naman sa lalaki.

TOTOO KAYANG nagpadala ng security guard ang aktor sa taping ng asawa niyang isa ring kilalang aktres dahil sa may nakarating sa kanyang namamalisyahan na ang closeness ng asawa nito sa ka-partner niyang aktor?

Para wala nang maririnig na kung anu-anong tsismis tungkol sa aktres na ito at ng ka-partner niya, nagpadala na siya ng security guard para mabantayan ito.

Mukhang nagkakalabuan na nga silang mag-asawa pero ginagawan pa rin ni aktor na maayos ito at hindi mauwi sa hiwalayan.

TSIKA LANG : Ayaw nang sabihin ni Albert Martinez kung magkano ang inabot ng pelikulang Rosario pero makikita naman sa kabuuan ng pelikula kung gaano ito kalaki.

Hindi na niya iniisip kung kikita ito o hahakot ng award sa Metro Manila Film Festival. Ang gusto lang naman niya ay may maiambag siya sa movie industry na ganito kaganda at makabuluhang pelikula na sana sundan din ng ibang producers.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

AMPALAYA ANONYMOUS

CRISTINE

CRISTINE REYES

HAYDEN

HAYDEN KHO

KATRINA HALILI

MAXENE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with