^

PSN Showbiz

Anak ni Theresa ibinigay na kina Cesar at Sunshine

RATED A - Aster Amoyo -

Apat na taon ang binilang bago muling gumawa ng pelikula ang ever controversial at tinaguriang Queen of all Media at Box Office Horror Queen na si Kris Aquino sa pamamagitan ng Dalaw, isa sa mga official entries ng 2010 Metro Manila Film Festival. Huli siyang napanood sa Sukob na dinirek ni Chi­to Rono na siya ring nagdirek ng isa pa niyang blockbuster horror movie na Feng Shui.

Sa prediksiyon pa lamang ni Kris, alam niyang hindi mangunguna ang kanyang pelikula pero umaasa siyang papangatlo ito.

Samantala, maganda ngayon ang relasyon ng estranged couple – Kris and James Yap bilang magkaibigan at pareho nilang ginagampanan ang kanilang respective roles ng kanilang 3-year old son na si Baby James or Bimby

Sa isang taon ay magiging super busy na naman si Kris sa kanyang TV career.

Nagbibiro man si Kris o nagsasabi ng totoo tungkol sa kanila ni Ted Failon, wala naman sigurong masama kung maging sila. Although hindi pa nga sila annulled ng ex-husband niya umaasa siya na pagdating ng October 2011 ay handa na umano siyang makipagrelasyong muli.  Si Ted naman ay biyudo, matalino, responsible at respetado.

* * *

Nasa poder ngayon ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz ang anak ni Buboy (Cesar) sa actress na si Teresa Loyzaga, si Diego (15).  Fourth year high school na ito sa O.B. Montessori at tumatayong kuya ng tatlong anak nina Buboy at Sunshine na sina Angelina Isabelle (9), Samantha Angeline (6) at Angel Franchesca (5).  Guwapo si Diego at hindi malayong lumusong din ito sa mundong ginagalawan ng kanyang mga magulang pero kung si Buboy ang masusunod, gusto niyang mag-focus muna ito sa kanyang pag-aaral.

Magiging super busy si Buboy sa susunod na taon dahil sa maraming projects na nakatakda niyang gawin.

May naghihintay siyang bagong sitcom sa GMA at isang co-production movie with Viva Films. Naka-line-up din ang action movie na pagsasamahan nila ni Robin Padilla, international movie na Getting to America at maging ang Sakada na sa Hawaii isu-shoot. Balak din niyang gawin ang Ninoy at Francisco Daguhoy kung saan niya muling makatrabaho si Marilou Diaz-Abaya as director.

* * *

Nahuli kami ng dating  sa presscon ng Father Jejemon na pinagbibidahan ng hari ng komedya na si Dolphy at produced ng RVQ Productions at directorial comeback ng US-based na si Frank Gray, the same director na nagdirek ng 1977 movie ni Dolphy na Omeng Satanasia kaya sandali kaming nakipagkuwentuhan kina Mother Lily Monteverde, Dolor Guevarra, Girlie Rodis at Kumadreng Alfie Lorenzo.  Very proud si Mother Lily na ipinakita sa amin ang napakaganda nilang print ad ng anak niyang si Roselle Mon­teverde-Teo ng Toshiba products.  Ang Toshiba ay Japanese brand at Chinese-Filipino naman ang kinuha nilang endorsers sa katauhan nina Mother Lily at Roselle Monteverde.

Very honest si Mother Lily sa pagsasabing P2M ang kanilang talent fee ni Roselle at ang 30% umano ay ibinigay nila sa talent manager na si Girlie dahil ito ang nagsara ng deal.

* * *

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na bumabalik na naman sa kanyang dating bisyo ang sikat at mahusay na actor?  Minsan daw ay dumarating ito sa set na tila bangag.  Nakapanghihinayang naman kapag muli niyang pinabayaan ang kanyang career na napakaganda na ng takbo ngayon.  

* * *

Personal: Ang aming paanyaya na samahan ka­­mi araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes simula sa December 13 sa aming Celebrity Talk seg­ment ng morning show na Homepage na napapanood mula alas-8:00 hanggang alas-9:00 ng umaga sa Net25.

ALFIE LORENZO

ANG TOSHIBA

ANGEL FRANCHESCA

ANGELINA ISABELLE

BABY JAMES

BOX OFFICE HORROR QUEEN

BUBOY

MOTHER LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with