Kris at James nakadenggoy
Hindi dapat sineryoso noon ang word war ng estranged couple na sina Kris Aquino at James Yap.
Kita n’yo naman, panay ang pagpapalitan nila noon ng mga maanghang na salita pero ano ang ending? Magkasundo na sila at pumayag pa si James na umapir sa filmfest movie ng kanyang ex-misis. May lakas pa ng loob si James na mag-dialogue kay Kris ng “Nami-miss mo ako ’no?”
Ang moral of the story, huwag pakialaman o makisangkot sa away ng mag-asawa dahil darating ang panahon na magkakasundo sila at ang mga tao na nakisawsaw sa isyu ang magmumukhang kontrabida!
Ewan ko lang kung ikinonsulta ni James sa kanyang lawyer na si Atty. Lorna Kapunan ang pag-apir niya sa pelikula ni Kris. Si Atty. Kapunan ang spokesperson ni James at siya ang sumasagot noon sa mga paratang ni Kris laban sa kanyang kliyente. Ang ending, friends sina Kris at James at hindi natutuwa si Kris sa madalas na pagpapainterbyu noon ni Atty. Kapunan.
Beteranang Aktres sobrang insecure sa baguhang aktres!
Super insecure ang beteranang aktres sa baguhang showbiz personality dahil kung hindi siya affected, bakit niya hinaharang ang mga projects ng newcomer?
Matagal nang mainit ang dugo ng veteran actress sa bagong salta sa showbiz. Sa tuwing magkikita sila, mula ulo hanggang paa ang pagtitig niya sa newcomer. Naiinggit kaya ang beteranang aktres sa baguhan dahil mas bata at maganda ito kumpara sa kanya? Dapat matakot sa karma ang aktres dahil baka bumuwelta sa kanya ang mga pagmamaldita niya sa baguhang showbiz personality. Nandiyan lang sa tabi-tabi si Carma Martin ’no!
Big Star ng Kapamilya sure na, lilipat sa TV5 sa pagpasok ng 2011
Lumalakas ang tsismis na isang big star na Kapamilya ang lilipat sa TV5 sa 2011. Sa totoo lang, wala akong idea sa katauhan ng big star na mag-oober da bakod sa Kapatid network kaya wala akong maisagot sa mga nagtatanong.
Basta ang alam ko, sure na sure ang mga sources ng balita na tiyak na ang paglipat ng big star sa TV5. In fairness sa mga sources, hindi pa sumasablay ang mga blind items nila dahil 100% true ang kanilang news. Pinipigilan muna nila ang mga sarili na i-reveal ang name ng mystery big star para hindi madiskaril ang negotiation.
Tweetbiz nag-bangko na ng mga intriga
Maluwag na ang schedule ko sa susunod na linggo dahil limang episodes ng Tweetbiz ang binuno namin kahapon.
Puwede na akong bumisita sa opisina ni Papa Miguel Belmonte dahil hindi na ako busy, next week. Mapupuntahan ko na rin ang ang kaliwa’t kanan na imbitasyon sa akin sa mga Christmas parties.
Tiyak na sunud-sunod din ang mga presscon sa susunod na linggo dahil sa walong pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival.
Richard at Dingdong, pride ng Kapuso
Ginanap kagabi ang Asian TV Awards (ATA) sa Pan Pacific Hotel, Singapore. At habang binabasa ninyo ito, tiyak na may resulta na ang awards night na dinaluhan nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.
Nominado sa ATA ang Planet Philippines na si Richard ang host at nominated naman sa best drama actor category si Dingdong dahil sa performance nito sa Stairway To Heaven.
Wish ko na parehong manalo ang dalawang top actors ng GMA 7 dahil malaking karangalan ng ating bansa kapag nag-win sila.
- Latest