^

PSN Showbiz

Kris gustong 'magpadalaw kay Tita Cory

- Veronica R. Samio -

Walang kagatul-gatol na sinabi ni Kris Aquino sa grand presscon ng kanyang pelikulang Dalaw na hindi niya ini-expect na magna-No. 1 ito kapag ipinalabas na ang pelikula nila sa MMFF sa Kapaskuhan.

“I’m realistic enough to know na ang team-up movie nina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto sa Si Agimat at si Enteng Kabisote ang magna-No. 1 sa takilya. No. 2 naman ang Ang Tanging Ina Mo Last Na ‘To! ni AiAi delas Alas. I want to be No. 3. I don’t expect, too, to win an award kahit ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko sa film dahil babatikusin lamang ang pamilya ko kapag nangyari ito. I just want Dalaw to make money, at least P130M,” sabi ng tinaguriang Horror Queen dahil parehong kumita ang naunang dalawang horror movies na ginawa niya, ang Feng Shui at Sukob.

Nagko-venture sila ng manager niya na si Deo Endrinal para iprodyus ang movie.

Bakit horror at hindi comedy?

“For box-office viability. Pagmamay-ari na kasi ni AiAi ang comedy at horror naman ang sa akin. As early as July meron na itong script, pero may mga twist sa story na ayaw ko kaya ni-revised ito.

“Pinahirapan talaga ako sa movie. Inilagay ako sa harness, ibinitin, pinaglambitin at inihiga sa putikan. Sa teleserye, may 2:00 a.m. cut ako pero, sa Dalaw, walang patlang, tuluy-tuloy ang shooting,” kuwento ni Kris.

* * *

Marami ang nagulat na pumayag na mag-cameo role si James Yap.

Hindi nahirapan si Kris na kumbinsihin siya dahil malakas si Baby James sa kanyang ama. Tumulong ito sa pangungumbinsi sa sikat na basketbolista na kapag natapos ang eksena ay tuloy na silang mag-ama sa larong basketball.

Makikitang magkayakap sa eksena ang dating mag-asawa pero, ang likod lamang ni James ang makikita. Tinukso nga ni Kris si James na pumayag na ito kesa makita niyang ibang lalaki ang kayakap niya.

Happy na ang mag-asawa sa kanilang sitwasyon ngayon na hinihintay na lamang ang hinihingi nilang annulment. Umabot na sa punto na puwede na silang friends, walang pinag-aawayan at kahit sa pera ay okay na sila.

Pati ang hatian sa oras ng anak nila ay wala na rin silang problema. Sa bisperas ng Pasko na kay Kris ang bata. Sa Pasko naman, kasama ito ni James. Kung okay kay James, puwede niyang makasama ang anak hanggang 31st pero sa 1st day ng 2011 ay aalis naman si Kris na kasama ang anak.

Sinasabi rin ni Kris na kung mayroon siyang gustong dumalaw sa kanya, ito ay si Tita Cory. Dalawang ulit na niya itong napanaginipan.

“May promise kasi ako sa kanya na ise-secure ko ang future ng dalawang bata, lalo na si Josh. I dreamt she was moving in with us. Buti na lang marami akong komersiyal. Ang kinita ko rito ay ipi­nambili ko ng katabing unit na pauupahan ko para may regular income kami kahit hindi ako mag-artista. Secure na ang future ng mga bata,” pagmamalaki   niya.

* * *

Sa mga co-stars niya sa Dalaw, hiniling niya talagang makasama si Gina Pareño. “She brings out the best in me. Mahal siya pero, she’s worth it,” sabi niya.

Babae sana ang kinukuha para maging anak niya sa movie dahil nagseselos si Baby James pero walang pumasa sa audition. Kaya naging lalaki ito.

Kasama rin si Karylle sa pelikula, ito ang kon­trabida ni Kris. “She is such a revelation in the film. Ang hirap ng pinagdaanan niya pero bibilib ang lahat sa kanya,” pangako ni Kris.

ANG TANGING INA MO LAST NA

BABY JAMES

BONG REVILLA

DALAW

DEO ENDRINAL

ENTENG KABISOTE

FENG SHUI

KRIS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with