^

PSN Showbiz

TESDA Director General guests on Life and Style

-

MANILA, Philippines - Sa unang pagkakatao’y mapapanood ang bagong Technical Education and Skills Development Authority or TESDA Director General Joel Villanueva sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes.

Tiyak na matutuwa kayo dahil sasabihin ni D.G.Joel kung ano ang mga plano nila sa organisasyon na ang hangad ay magsanay ng mga iskolar at ihanap ang mga ito ng mapapasukan dito at sa ibang bansa. “Nakalulungkot ngang binawasan ni Pres. Noynoy Aquino ang budget ng TESDA. Nangako naman siyang aayusin ito para marami kaming mapagtapos na mga mahihirap na iskolar,” sabi ni Bro. Joel.

Sa interbyu ng host-producer na si Mader Ricky sa TESDA head ay malalaman natin ang mga plano niya para sa organisasyon sa taong papasok.

May panayam din sa ilang TESDA scholar na nagtiyaga at ngayo’y malalaki na ang suweldo sa mga pinapasukan at ang iba nama’y nakapagtayo na ng sariling negosyo.

“Dapat tularan ang masisipag at matitiyagang kababayang nakakuha ng kaalaman mula sa TESDA. Daig pa nga nila ang ibang nagtapos ng four year course pero istambay at walang mapasukang trabaho,” sabi naman ni Mother Ricky.

Sa Great Hair Day ay si Julia Lopez ang magi­ging co-host sa LWRR na umeere tuwing Linggo alas- diyes hanggang alas onse ng umaga sa QTV-11.

DAIG

DIRECTOR GENERAL JOEL VILLANUEVA

GANDANG RICKY REYES

JULIA LOPEZ

LIFE AND STYLE

MADER RICKY

MOTHER RICKY

NOYNOY AQUINO

SA GREAT HAIR DAY

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with