^

PSN Showbiz

Gloria Romero ayaw ding magretiro sa showbiz

RATED A - Aster Amoyo -

At 76, wala pa sa bokabularyo ng movie queen at award-winning veteran actress na si Gloria Romero ang magretiro.

“For as long as there are offers at kaya ko pa naman i-memorize ang mga lines ko, hindi ko pa siguro kailangang mag-retire. Besides mababagot lang siguro ako sa bahay nang walang ginagawa. Sixteen pa lamang ako when I entered showbiz at 60 years na ako sa industriyang ito. I love what I’m doing,” pahayag ni Gloria nang amin itong makapanayam para sa Celebrity Talk segment ng Homepage, ang daily morning show ng Net25.

Sixteen years old lamang si Gloria Romero (Gloria Galla sa tunay na buhay) nang kanyang pasukin ang magulong mundo ng showbiz. Aminado siya na as early as then ay alam na niya ang gusto niyang gawin, ang maging isang artista.

Nagsimula siya sa pagiging extra sa ilang pelikula bago siya nabigyan ng malaking break ng Sampaguita Pictures na kanyang naging tahanan ng maraming taon. Taong 1952 nang kanyang gawin ang pelikulang Monchita kasama sina Oscar Moreno, Norma Vales at Myrna Delgado na dinirek ni Artemio Marquez.

Taong 1956 naman nang makapareha ni Gloria si Luis Gonzales sa pelikulang Pagdating ng Ta­kipsilim kasama si Barbara Perez at dinirek ni actress-turned director na si Rosa Mia. Magmula nung 50’s hanggang sa kasalukuyan, hindi na huminto si Gloria sa paggawa ng pelikula at pagtanggap ng mga parangal in the process.

Natutuwa si Gloria dahil iba’t ibang henerasyon ng mga stars ang kanyang nakatrabaho at patuloy pang nakakatrabaho hanggang sa ngayon. At ang mahalaga, nasa kanya pa rin ang paghanga at respeto ng mga taga-industriya dahil sa ipinakita niyang propesyunalismo at pagmamahal sa sining na kanyang kinabibilangan.

* * *

Agree ako sa tinuran ng well-respected veteran entertainment writer na si Ronald Constantino na clash of the titans ang pagsasanib-puwersa ng dalawang higante sa industriya ng pelikulang Pilipino na sina Sen. Bong Revilla at TV-host-comedian-producer Vic Sotto sa isang pelikula - Si Agimat at si Enteng Kabisote na MMFF entry ng limang pinagsanib na producers – GMA Films, OctoArts Films, M-Zet Films, APT Entertainment, at Imus Productions.

Kung dati-rati’y parating magkatapat ang magkahiwalay na film entries sa MMFF nina Bossing Vic at Sen. Bong at silang dalawa parati ang nag-aagawan sa No. 1 slot, kakaiba naman ang ginawa ng dalawa sa taong ito ng MMFF.

Ayon kina Vic at Bong, never nilang kinunsider na sila’y magkalaban sa tuwing nagkakatapat ang kanilang mga pelikula sa takilya. They always make it a point to congratulate each other kung manguna man ang pelikula ng isa sa kanila sa takilya.

In one of their rare talks, napag-usapan nila ang pagsasama sa iisang pelikula, bagay na kanilang sineryoso pagpasok ng taong 2010 at dito nabuo ang Si Agimat at si Enteng Kabisote. 

Pareho silang ladies’ man?

“Ah, hindi pa namin na­­pag-uusapan ang bagay na `yan,” pabirong sa­­got ni Vic.

Ang Si Agimat at si Enteng Kabisote ay dinirek ng box-office director na si Tony Y. Reyes at mapapanood sa mga sinehan nation­wide simula sa Dis­yembre 25, araw ng Pasko.

vuukle comment

ANG SI AGIMAT

ARTEMIO MARQUEZ

BARBARA PEREZ

BONG REVILLA

BOSSING VIC

CELEBRITY TALK

ENTENG KABISOTE

GLORIA

GLORIA ROMERO

SI AGIMAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with