Biniling town house bayad na, pa-abroad-abroad pa
MANILA, Philippines - Nagugulat ang ilang talent coordinators sa young actor na ito. Kung noon ay nakikiusap ito na bigyan siya ng guest role sa mga hawak nilang mga shows, ngayon ay tumatanggi na ito sa trabaho.
Sey ng isang TC ay may magandang role pa naman siya sa young actor at one month itong magte-taping sana. Pero noong tawagan niya ito, sinabi na hindi siya puwede dahil may iba siyang pinagkakaabalahan.
Inisip lang ng TC na baka nabababaan ito sa talent fee niya. Pero noong makausap niya ang isa pang TC, tumanggi rin daw ang young actor sa isang raket na three-days sana kukunan sa isang resort. Times two ang talent fee na ibibigay sa kanya para sa tatlong araw na shoot lang. Pero tumanggi ito sa grasya.
Hinanap ng dalawang TC ang road manager ng young actor para malaman nila ang misteryo nitong pagtanggi sa mga trabaho ngayon. Nalaman nila na may benefactor ito ngayon na isang mayamang matrona.
Ang mga barkada kasi ng young actor ay mga matrona ang target na biktimahin. Kaya ngayon ay buhay-hari ang young actor sa magarang condo nito sa Makati.
“Walang ginagawa ang damuho kundi ang mag-workout out, samahan sa mga sosyal na party ang matrona at pumunta sa kung saan-saan. Kakabalik lang from Singapore ang young actor at balita ko na sa Hong Kong sila magpa-Pasko ng matrona,” tsika ng road manager.
Nagsimula na paid escort ang young actor kapag wala itong mga shows na ginagawa. Bongga mag-pay ang matrona dahil bongga ang performance parati ng young actor. Nabayaran na ni young actor ang townhouse na binili niya para sa kanyang pamilya at may maliit na silang negosyo na inaasikaso ng kanyang ina.
“Kaya walang keber si young actor kung wala siyang show. Marami na siyang datung at pa-easy-easy na lang siya. Walang problema sa matrona dahil matagal na itong hiwalay sa mister at nasa ibang bansa na ang mga anak. Kaya hari siya sa puso ng kanyang matrona,” pagtatapos pa ng road manager.
- Latest