Website ng GMA milyon ang nagbubukas
MANILA, Philippines - Umaabot sa isang milyon ang naitatalang page views ng GMANews.TV bawat araw (www.gmanews.tv http://www.gmanews.tv/) kaya kino-consider na itong isa sa top web sites sa Pilipinas at lider sa online news media. Ayon sa Google Analytics data, umaakyat pa ang traffic ng official web site ng GMA News and Public Affairs tuwing may mahahalagang kaganapan.
Kitang-kita rin ang global presence ng Pinoy sa GMANews.TV dahil higit sa kalahati ng halos isang milyong page views na naitatala araw-araw ay mula sa mga iba’t ibang bansa tulad ng US, Canada, Saudi Arabia, Singapore, Japan, UAE, at Hong Kong.
Noong nakaraang eleksiyon, umakyat sa 12 milyong page views ang nakuha ng site sa isang araw..
“We did this through superior programming and a user-friendly display of election data,” ani GMANews.TV editor-in-chief Howie Severino na nagbigay pugay sa technical experts ng GMA Network subsidiary na New Media, Inc. (NMI) para sa application na nagpabilis sa pag-convert ng raw data mula sa Comelec tungo sa impormasyong ginagamit ng web site at GMA news programs. “We had almost real-time results on our site all the way down to the municipal council level. No one else had that,” dagdag ni Severino.
Kamakailan ay kinilala ng DigitalFilipino.com ang GMANews.TV para sa technical performance nito, pati na ang high user engagement at search engine visibility ng site.
Nasa GMANews.TV din ang kauna-unahang online sports show sa bansa, ang FTW (www.gmanews.tv/ftw<http://www.gmanews.tv/ftw>), kasama ang mga kilalang commentator na sina Mico Halili, Richard del Rosario, Jason Webb, Magoo Marjon, Alex Compton, at Miakka Lim; at audio podcasts (www.gmanews.tv/pbr <http://www.gmanews.tv/pbr> ) ng boxing expert at Pacquiao beat reporter na si Chino Trinidad.
Sa 2011, ipakikilala ng GMANews.TV ang bagong multimedia features nito. Palalawakin din ng GMANews.TV ang reach nito sa paglalagay ng mga section sa site na mababasa sa iba’t ibang regional dialects, upang mapagsilbihan ang mga Pinoy web user na nais mabasa ang mga balita sa kanilang bernakular.
- Latest