Santa tatapatan ni Father Jeje
May bagong Father Christmas tayong makikilala ngayong Pasko. Sa halip na balbasin, nakasuot ng pulang damit at naka-boots ng itim, nakasuot pari siya, may malaking krus sa dibdib at may sumbrero. Sa halip na nagsasabi ng Ho, Ho, Ho, nagsasalita siya ng Weh at Elow poh. Siya si Father Jeremiah Jerome Montes, o Father Jejemon.
Siya ang pinaka-cool at pinakamasayang alagad ng simbahan na makikilala natin. Babaguhin niya ang nakaugalian nating pagtingin sa Pasko.
Katulad din ni Santa Clause, isang katha rin ng imahinasyon si Father Jejemon na ginagampanan ng Hari ng Komedi na si Dolphy sa isa sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival. Isang pari si Dolphy na mamahalin ng isang komunidaddahilsa kanyangnaiibang katangian.Mahilig ito sa rock, mahilig magdaosngmga talentcompetitions at iba pang mga aktibidad para sa mga kabataan. Suportado rin niya ang organisasyon ng kababaihan sa kanyang parokya.
Tulung-tulong na binuo ng ilang creative people ng RVQ Productions sa pamumuno ni Dolphy kasama sina Bibeth Orteza at Randy Reyes ang istorya ng Father Jejemon na kumuha ng inspirasyon sa nauuso ngayong pagti-text gamit ang mga iniikliang salitang Tagalog na magkasabay na ginamitan ng malaki at maikling letra.
Magkakaroon ng premiere night ang Father Jejemon sa Cinema 10 ng SM Megamall sa Dec. 22. Magiging kakaibang pa-premiere din ito dahil bukod sa pagpapalabas ng pelikula, magkakaroon ng performances ang mga artista sa pelikula at may premyo sa naka-Best Jeje Attire.
* * *
Marami ang curious kung bakit hindi kasama sa cast ng pelikula si ZsaZsa Padilla. Sinasabi kasi ni Mang Dolphy na sobrang mahirap mag-produce ng movies ngayon, magastos daw. With ZsaZsa in the cast, sana nakatipid na ng malaki ang produksiyon. But then siguro mas mabuti ngang hindi ito kasama sa pelikula dahil gagawa pa ng bagong character. Pari kasi ang role ni Dolphy at hindi ito nangangailangan ng ka-partner. At saka huli na nang pumasok siya sa produksiyon, nakabuo na ng istorya at mayroon ng cast. Abala siya nun sa pagtatapos ng Idol na kung saan ay kasama naman siya sa cast.
Blessing in disguise din na hindi siya kasama sa pelikula bilang artista dahil sa kalagitnaan ng paggawa ng pelikula ay kinailangan na nga siyang mag-take over bilang producer.
* * *
Akala ni Cherie Gil ay first time nilang nagkasama ni Dolphy sa Father Jejemon. Pero kahit mas malaki ang tanda sa kanya ng komedyante, alam nito na nagkasama na sila before ng magaling namang kontrabida, tandang-tanda pa nito ang titulo ng pelikula, Dancing Masters. Role ng kapatid ni Fr. Baby (Tony Mabesa) na papalitan ni Dolphy sa kanilang komunidad ang ginagampanan ni Cherie. Kaya galit siya sa character ni Dolphy. Anak din niya si Maja Salvador sa movie.
- Latest