Zsa Zsa napasimangot!
Seen : Hindi lamang ang Manila Bay ang dapat ipalinis nina Manila City Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Isko Moreno dahil napakarumi rin ng Recto Avenue. Nakatambak lang ang mga basura sa kahabaan ng Recto Avenue at katibayan ito ng kawalang-disiplina at kabalasubaan ng mga kababayan natin na hindi marunong gumamit ng trash can.
Scene : Maagang dumating si Dolphy sa presscon ng Father Jejemon sa Imperial Hotel noong Lunes. Namalagi muna siya sa kuwarto ng hotel at bumaba nang magsisimula na ang presscon. Bawal kay Dolphy ang mapagod dahil kagagaling lamang niya sa sakit.
Seen : Nagbago ang reaksiyon ng mukha ni Zsa Zsa Padilla nang itanong ng isang tactless reporter kung handa na siya sa puwedeng mangyari kay Dolphy.
Scene : Matagal nang sarado ang Bahay ni Kuya pero patuloy itong dinarayo ng mga nagpapakuha ng litrato sa harap ng PBB House. Bubuksan ng ABS-CBN sa 2011 ang Bahay ni Kuya.
Seen : Hindi na dapat i-announce ni Christian Bautista na gusto niyang magkaroon ng girlfriend sa 2011. Ginagawa ‘yon, hindi ipini-press release.
Scene : Bukas ang finale ng The Amazing Race Asia 4 ng AXN. Kasali sa season finale ang mga Philippine representative na sina Richard Hardin at Richard Herrera. Ex-boyfriend ni Ethel Booba si Richard Herrera.
Seen : Si Marian Rivera sa taping ng Jillian : Namamasko Po! sa Tagaytay City noong Lunes.
Scene : Donald ang pangalan ni Marvin Agustin sa Beauty Queen dahil inspired ni Donald Trump ang kanyang karakter. Si Donald Trump ang producer ng Miss Universe Pageant.
- Latest