Big time talaga, Willie Revillame mahigit isang dosena ang abogado
MANILA, Philippines - Nagulat ang mga tao sa hearing kahapon ng kasong panggagaya o copyright infringement laban kay Willie Revillame ng ABS-CBN sa Makati Regional trial court dahil sa rami ng abogadong nagtatanggol sa milyonaryong TV host.
Guess n’yo kung ilan? - 14. Yes, 14 na abogado ang nagtatanggol kay Willie, Wil Productions at TV5.
Ang laki talaga ng kinikita ni Willie para makakuha siya ng mahigit isang dosenang abogado. Sabayan pa ng suporta ng kanyang TV network.
Kuwento ng bubwit namin, walang ginawa ang mga abogado ni Willie kundi ulit-ulitin ang kanilang mga argumento para lang ma-delay ang hearing. Mantakin mo raw na dalawang oras ang nasayang kahapon dahil gusto nilang ma-cancel ang hearing.
“Halata naman sila. Kung anong sinabi ng isang abogado, uulitin naman ng kakamping abogado,” sabi ng isang bubwit.
Dagdag pa ng bubwit, maaaring dine-delay ng kampo ni Willie ang hearing sa kaso para makabuo ng mga bagong segment o pakulo sa palabas kung sakaling lumabas ang temporary restraining order o TRO laban sa kanila.
Samantala, mukhang nagpa-panic na ang kampo ni WR.
Bulong ng ilang bubwit, kung anu-ano na lang daw ang dinadahilan ng mga abogado ng mga nasasakdal para maharang ang paglalahad ng ebidensya ng ABS-CBN. Buti na lang daw at nanaig pa rin ang kampo ng ABS-CBN, kahit na iisang abogado lang ang sumasagot sa mga palusot at paikut-ikot ng mga taga-depensa nina Willie.
Kataka-taka rin na wala si Willie sa mga sumunod na hearings kung kailan magsasalita ang dati niyang boss sa ABS-CBN Game Show Unit. Hindi ba niya kayang harapin ang mga magiging pahayag ng mga dating Kapamilya? Pag-amin na ba ito sa kanyang panggagaya? Hindi naman sana isyu ito, kung hindi siya mismo ang humiling na gawin sa umaga ang hearing para siya ay makadalo.
* * *
Wala nang planong magpakasal sina Dolphy at Zsa Zsa Padilla.
Ilang beses na raw nilang plinano at pinagkagastusan ang nasabing kasalan sana nila pero walang nangyayari. Parating nauudlot kaya ngayon, hindi na sila umaasa. Ayon kay Mang Dolphy sa presscon ng Father Jejemon, ang importante ngayon ay masaya silang nagsasama na mahigit na rin namang 20 years.
- Latest