GMA Network may Christmas Short Film Festival
MANILA, Philippines - Ngayong Pasko, handog ng GMA Marketing and Productions, Inc. (GMPI), ang sales at marketing subsidiary ng GMA Network, Inc. (GMA), ang isang showcase ng natatanging short films para sa annual campaign ng GMPI na pinamagatang Christmas Short Film Festival.
Mula 2006, naging epektibong instrumento na ang nasabing proyekto upang maihatid ang mga mensaheng pampasko sa mga manonood. Sa ika-limang taon ng serye ng mga pelikulang pantelebisyon, pitong sponsors ang sumusuporta sa nasabing kampanya. Kabilang dito ang Liveraid ng Herbs and Nature, Coffeemate at Maggi Magic Sarap ng Nestle, Angel Kremdensada ng Century Pacific Group, Quick Service restaurant chain na Kentucky Fried Chicken, Lactum ng Mead Johnson at money transfer service Western Union.
Pitong Christmas Short Film, na binuo kasama ang pitong partner-advertisers, ang magsisibling platform sa Kapuso Network para makapaghatid ng mga nakakaantig na Christmas story.
Kasama sa mga Kapuso star na tampok sa Christmas stories sina Lyn Ching, Regine Tolentino, Love Añover ng GMA News and Public Affairs, Bela Padilla, Luane Dy, Stef Prescott, at Pekto ng GMA Entertainment TV.
Idinerehe ang mga Christmas shorts film nina RA Rivera, Marie Jamora, Treb Monteras, Marla Ancheta, Paul Soriano at Richard Ang.
“We are excited about this project as we are able to spread the Christmas message thru the use of an effective medium film. This is part of our continuing efforts to find innovative means of bridging GMA’s corporate image – being a Kapuso – to the market and the viewers,” ani GMPI President at COO Lizelle G. Maralag.
Ang Christmas Short Film Festival ay mapapanood sa Kapuso Network ngayong Disyembre.
- Latest